^

Pang Movies

Lucy pinatalsik ng Supreme Court bilang kongresista

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatalsik ng Supreme Court ang artistang si Lucy Torres-Gomez bilang kinatawan ng Ormoc City.

Sa botong 7-4-4, sinabi ng SC na hindi valid ang pag­halili ni Torres sa asawa nitong si Richard Gomez sa nakalipas na Mayo 2010 elections.

Bumoto ang pitong mahistrado pabor sa pagpapawalang-bisa ng pagka-kongresista ni Rep. Lucy, apat ang kumontra habang apat din ang nag-abstain.

Sina Associate Justices Estela Perlas-Bernabe, Antonio Carpio, Martin Villarama, Jose Perez, Bienvenido Reyes, at Marvic Leonen ay bumoto pabor sa pagpapawalang bisa ng pagkakongresista ni Lucy habang kumontra naman sina Teresita Leonardo de Castro, Mariano del Castillo, Roberto Abad, at Jose Mendoza.

Nag-abstain naman sina Presbitero Velasco, Arturo Brion, Lucas Bersamin, at Diosdado Peralta dahil ang mga ito ay miyembro ng House of Representative Electoral Tribunal-Associate Justices.

Ayon sa SC, hindi kuwalipikado si Richard na tumakbo bilang Kongresista matapos itong mabigo sa kanyang residency requirement.

“Thus, absent valid substitution, Ms. Torres-Gomez could not have been considered a candidate,” ayon sa SC.

ANTONIO CARPIO

ARTURO BRION

BIENVENIDO REYES

DIOSDADO PERALTA

HOUSE OF REPRESENTATIVE ELECTORAL TRIBUNAL-ASSOCIATE JUSTICES

JOSE MENDOZA

JOSE PEREZ

LUCAS BERSAMIN

LUCY TORRES-GOMEZ

MARTIN VILLARAMA

MARVIC LEONEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with