^

Pang Movies

Robin bingi sa pakiusap ni Mariel na maghinay-hinay sa pakikialam sa problema sa Sabah

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi na maitago ni Mariel Rodriguez ang kanyang pag-aalala sa kanyang asawang si Robin Padilla dahil mukhang masyado na iyong involved sa problema ng mga Muslim sa Sabah, Malaysia. Pinagsabihan na raw ni Mariel si Robin pero ang naging sagot sa kanya ay pabayaan na lang kung ano ang desisyon niya.

Itinuturing kasi ng aktor na close sa kanya ang Sultan mismo dahil bukod nga sa iyon ang humika­yat sa kanya sa Islam, ninong pa nila sa kasal ni Liezel Sicangco.

Pero parang tama rin si Mariel eh, mas maganda nga siguro kung tutulong na lang si Robin sa ibang paraan at hindi iyong nagbabalak pa siyang magpunta sa Sabah.

Dumadagundong na boses ni Subas sa simbahan, naalala sa kanyang pagpanaw

 Madalas pa namin siyang makita noong araw sa Our Lady of Mt. Carmel Shrine sa New Manila, Quezon City kadalasan ay commentator siya sa misa. Malakas at dumadagundong sa buong simbahan ang kanyang boses. Hindi ka magkakamali, si Subas Herrero nga iyon.

Pero matagal na siyang nawala, iyon pala ay nagpunta na siya sa New York at doon na naninirahan. Pero ang malungkot na balitang umabot sa atin, noong isang araw ay yumao na siya sa gulang na 69, dahil sa pneumonia. Pero marami ang naniniwala na complication iyon ng kanyang sakit na diabetes. Matagal na pala siyang may diabetes kaya pala marami ang nakapansin noon na pumapayat na siya. In fact, noon pang madalas namin siyang makita sa simbahan ay payat na siya.

Isa si Subas sa mga pinakamahusay nating cha­racter actors. Kung kontrabida siya, laging isang ma­yaman o pinuno ng isang sindikato ang kanyang role, matapang at malupit. Malayo iyon sa tunay niyang pagkatao na palabati at palangiti rin.

Tapos natuklasan na maaari pala silang mag-team ng isa pang aktor, si Noel Trinidad. Click naman sila agad dahil dati na silang magkasama sa legitimate stage. Nag-comedy sila at nagkaroon ng isang show sa RPN 9 noon, ang Champoy. Comedy iyon at kumakanta rin naman silang dalawa at ibang klase ang kanilang comedy, hindi slapstick.

Noong una ay marami ang takot sa show dahil mukha raw iyong high class. Pero nakuha naman nila ang masa. Mataas ang ratings noon ng Champoy at kung hindi kami nagkakamali dahil doon ay nagkaroon pa sila ng mga recording.

Noon ay sikat na sikat din si Subas Herrero dahil bukod sa pagiging artista, dahil naman doon sa kanyang restaurant na Señor Subas, na napakasarap ng paella.

Sayang, wala na si Subas, at bata pa rin naman siyang masasabi para yumao.

Starlet, halos mamalimos na sa mga DOM

Kawawang starlet. Kung dati ay pinagkakaguluhan at kinababaliwan siya ng mga dirty old men (DOM), nga­yon ay parang iniiwasan na siya kahit na siya pa mismo ang nagtatatawag sa kanila.

Eh kasi raw sobra naman kung mang­hingi ng pera ang starlet at ang kanyang pimp manager. Lagi silang istambay sa isang food chain at lahat ng dumaan doon ay nahaharbatan nila lalo na kung walang booking ang starlet.

CHAMPOY

DAHIL

KANYANG

KUNG

LIEZEL SICANGCO

MARIEL

PERO

SIYA

SUBAS HERRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with