Nora Aunor tanggap ang pagkatalo
MANILA, Philippines - Walang anumang hinanakit na nararamdaman ang Superstar na si Nora Aunor noong ganapin ang Star Awards for Movies, natalo man siya ni Angel Locsin na siyang tinanghal na best actress winner.
Komento ng fans, wala na talagang pagdaramdam kahit matalo si Guy. Sangkaterba na ang napanalunan niyang awards tuwing may film festival na kalahok ang pelikula niya. May nagsabi pa ngang hindi na malaman kung saan pa ilalagay ang awards sakaling manalo na naman siya. Say n’yo?
Saka, mananalo ba naman ang pelikulang Thy Womb ni Guy kung ikukumpara sa paramihan ng publisidad tungkol sa pelikula ni Angel? Ginastusan talaga. Anyway, umani na ang Thy Womb ng mga papuri sa ibang bansa. Sapat na iyon kaya pagbigyan naman ang iba.
Rey Malonzo nakatapos
ng Andres Bonifacio film
Tatakbong vice mayor sa Caloocan City ang dating Mayor Rey Malonzo. Solo flight siya at walang kapartido. Gusto raw niya ngayong mapaganda ang Caloocan City. Ang mga dati niyang kasamahan ang mga kasalukuyang nakaupo ngayon sa naturang lungsod.
May natapos siyang pelikula na tungkol kay Andres Bonifacio pero wala pang playdate. Katambal niya rito sina Amy Austria at Ina Raymundo. Sa direksiyon ni Lorli Villanueva ang pelikula. Tumatakbo naman ang istorya nito sa dalawang naging babae sa buhay ni Andres Bonifacio.
- Latest