^

Pang Movies

Aktor na galing sa reality show at muntik nang sumikat, mas piniling tulungan ang girlfriend na negosyante kesa umarte

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nabuking na may live-in partner na pala ang young actor na produkto ng isang reality show. Hindi siya nanalo pero marami siyang fans. Nagkaroon din siya ng ingay dahil bukod sa guwapo ay malakas pa ang dating sa mga babae at bading. ‘Yun nga lang medyo na-sidetrack ang kanyang career at bigla na lang itong nag-disappear.

Ayon naman sa mga huling nakausap ng young actor, may inaasikaso raw itong negosyo na bigay ng kanyang amang matagal nang nawalay sa kanila. Kaya nag-goodbye muna siya sa showbiz.

Pero nalaman ng aming source na may ka-live-in na pala ang young actor at pinagbawalan na siya ng girl na mag-artista pa.

Nalaman ng source namin ang tungkol sa sitwasyon ng young actor sa pamama­gitan ng kanyang kaibigan na kilala ang kinakasamang girl dahil kumukuha ng mga imported na damit na pinangnenegosyo sa Greenhills, San Juan.

Nagulat nga ang friend ng aming source nang sunduin ang girl ng young actor sa puwesto nila. Naka-shades at baseball cap ang young actor para hindi siya makilala. Pero noong ngumiti ito, doon na nabuking na siya ‘yung young actor na bigla na lang nag-disappear.

“Medyo may kalusugan na si young actor. Pero cute pa rin naman ang mukha niya. Saka mukha namang happy sa nangyayari sa buhay niya. Sinundo niya ang ka-live-in niya dahil magdi-dinner pa sila sa labas,” sabi ng aming source.

Nakakapanghinayang nga lang dahil puwede pang ma-build up ang young actor para magbida. Pero dahil sa mas pinili na niya ang tahimik na buhay, siguro nga ay ‘yun na ang destiny niya kasama ang babaeng napili niya.

Eula todo sakripisyo para sa Cassandra

Puspusan ang paghahanda ng TV5 Drama  Princess na si Eula Caballero dahil sa pagbabalik ng kanyang supernatural series na Third Eye. Pero sa second season nito, iba na ang title at ginawa na itong Cassandra: The Warrior Angel.

Sa buwan ng May na ito magpi-premiere sa primetime block ng TV5.

 â€œSiyempre po sobrang ang saya ko kasi ang tagal ko ding hinintay ng pagbabalik ng character ko na si Cassandra,” sabi ni Eula nang makatsika namin siya sa event ng Philippine Entertainment Portal (PEP) sa Aracama Restaurant sa The Fort Strip in Taguig City.

Sa bagong kuwento ng Cassandra, makikilala na niya ang kanyang matagal nang hinahanap na magulang. Gagampanan ito nina Eula Valdez at Gabby Concepcion.

Bilang preparasyon sa series ay nag-acting workshop ang buong cast sa ilalim ng former actress na si Beverly Vergel. Nag-training din si Eula kasama ang ilang cast ng Cassandra at Muay Thai para sa kukunan na malalaking eksena sa serye.

Sexy nga si Eula sa mga magiging costume niya sa Cassandra. At dahil may curves na ang katawan, handa na ba siyang mag-pose ng sexy para sa FHM tulad nang ginawa ng kasabayan niyang si Ritz Azul?

 â€œHindi pa po ako ready para diyan!” sabay tawa niya.

Mula ito sa direksiyon nina Eric Quizon, Argel Joseph, and Benedict Mique.

vuukle comment

ACTOR

ARACAMA RESTAURANT

ARGEL JOSEPH

BENEDICT MIQUE

BEVERLY VERGEL

EULA

NIYA

PERO

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with