Kapuso young actress na dating walang linya sa mga serye, bibida na!
MANILA, Philippines - Si Kim Rodriguez ang isa sa mga hot properties ngayon ng Kapuso Network. Kamakailan lang, nanalo siya as the New MoÂvie Actress of the Year sa 29th PMPC Star Awards for Movies sa pelikulang Ang Mumunting Lihim.
At ngayong April, hanÂdang-handa na si Kim para sa kanyang first lead role sa upcoming GMA afternoon drama series, Ang Kakambal ni Eliana.
Kasama si Kim noon sa mga GMA drama programs kung saan wala siyang mga speaking lines, she was just a passerby. Ang turning point ng kanyang acting career ay nagsimula nung nag-audition siya sa Reel Love Presents Tween Hearts kung saan kumuha ang show ng mga bagong cast members to add to the current roster of stars na pinangungunahan nina Barbie Forteza, Bea Binene, etc.
Ang mga sumunod na projects ay ang Sinner or Saint, Biritera at Coffee Prince. In Coffee Prince.
Si Kim ay lumaki sa piling ng kanyang lola. Ang kanyang nanay ay isang OFW at ang kanyang ama naman ay hindi siya kinilala as his “childâ€.
In most of her growing up years, tumira siya sa isang rented house kasama ang kanyang lola. She used to go to school but had to stop because of budgetary constraints. Habang siya ay nagti-taping sa Reel Love noong 2011, namatay ang kanyang lola.
Being given the role of Eliana, at this point; ay isang bittersweet victory para kay Kim because her lola, whom she shares all her victories and defeats with, is no longer around.
Makakasama ni Kim sina Enzo Pineda, KrisÂtoffer Martin at Lexi Fernandez sa Kakambal ni Eliana. This show will be directed by Roderick Lindayag at magsisimula na sa April 22, 2013 sa GMA Afternoon Prime.
- Latest