Dingdong naikonek ang ending ng kanilang serye sa pagkakaroon ng Bagong Papa
Masayang nag-tweet si Dingdong Dantes mula sa last taping day nila ng Pahiram ng Sandali sa Calatagan, Batangas na eksakto raw sa final scene nila na parang siniguro ni God na nakapagtapos sila na mayroon nang bagong Santo Papa, si Pope Francis I, kaya ito raw ang show niya that will certainly have a special place in his sacred list of valuable memories at nagpasalamat siya sa lahat ng mga sumubaybay nito.
“Nang tinanong ako kung ano ang gusto kong ending ng aming drama series, sabi ko, sana ay iba naman kaysa usual na happy ending. “Kaya iba nga ang ginawa nila sa finale namin (mamayang gabi after ng Indio). First time ko rin na nakaganap na may malubha akong sakit, pancreatic cancer, at naghihintay na lamang ako ng araw,†sabi ni Dingdong.
“Pero kung may wish ako bago mamatay, makita ko naman ang anak ko, namin ni Cindy (Max Collins), na isinilang niya sa States. Matutupad naman ang wish ko dahil babalik na si Cindy na napatawad na niya ako at ang kanyang Mommy Janice (Lorna Tolentino) (sa isang hiram na sandaling nangyari sa amin na sumira ng aming buhay). Nakita ko rin ang anak ko pero ang hihintayin na lamang ng viewers ay kung makikita akong namatay bago matapos ang story.â€
Team Marceline wagi sa Temptation
Naisulat namin noon na may Team Marceline (Marcel at Angeline) at Team Nigeline (Nigel at Angeline) ang mga tagasubaybay ng Temptation of Wife pero mukhang ang papaboran sa story ay ang Team Marceline (Dennis Trillo at Marian Rivera). Mas masigla ang panonood ngayon dahil muling pag-aawayan nina Angeline at Heidi (Glaiza de Castro) si Marcel. Paano kaya si Nigel, tuluyan na bang makakasal kay Chantal (Michelle Madrigal) kahit ang mahal niya talaga ay si Angeline?
Magpakailanman at MMK nagkakapareho parang nag-usap sa kanilang mga episode
Nag-usap kaya ang writers ng Magpakailanman ng GMA 7 at Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN kaya pareho ang topic ng episode nila bukas ng gabi? Sa Magpakailanman, true story ng colleague na si Ruben Marasigan na isang beki pero nagpalaki siya ng inampon na anak.
Gagampanan ang character ni Ruben ni Keempee de Leon. Sa story ng Maalala Mo Kaya, kukunsintihin naman ni Pokwang na lumaking bading ang kanyang anak.
- Latest