Krista pinaninindigan sa akusasyong pambubugbog sa ex
Hindi raw babawiin ni Krista Kleiner ang kanyang naunang statement na kaya sila naghiwalay ng kanyang dating boyfriend na si Jay-R ay dahil umabot na sila sa verbal at physical abuse. Ibig sabihin, hindi lang sila nagkakasakitan ng loob dahil sa salita, tinatamaan pa siya diumano ng kamay ni Jay-R.
Ang R&B singer naman ay hindi na nagsalita tungkol sa bagay na iyon at ang sinabi lang ay matagal na raw iyon at dapat nang kalimutan.
Pero siguro kaya gano’n naman si Krista ay talagang sobrang nasaktan siya, hindi lamang physically, kundi nasaktan nang lubos ang kanyang pagkatao. Kaya nga siguro hindi niya makalimutan ang mga nangyari at hindi naman sinasadyang nabanggit niya iyon sa isang radio interview sa kanya.
Actually, wala namang masyadong nakarinig ng interview na iyon pero alam naman ninyo basta ganyang kontrobersiyal ang usapan ay pinag-uusapan ng mga tao. Kaya nga kumalat ’yan kahit na sa totoo lang ay hindi naman nila narinig ang radio interview.
TV stations nagkaisa para kay Pope Francis 1
Una, nagulat kami sa nangyari sa Philippine television na sa kauna-unahang pagkakataon ang lahat halos ng network ay iisa ang palabas noong makapili na ng panibagong Santo Papa sa Roma, si Pope Francis I. Hindi pa namin nakikitang nangyari ’yun simula noong matapos ang Martial Law.
Noon kasing panahon ng Martial Law, basta may gagawing speech ang dating Pangulong Ferdinand Marcos, nagtatawag na ang National Media Production Center sa lahat ng istasyon ng radyo at telebisyon at nagsasabing kailangan nilang mag-hook up sa speech ng presidente. Simula noong alisin ang Martial Law, wala nang hook up.
Kahapon kasi madaling araw, hindi naman hook up iyon kundi kanya-kanya sila ng diskarte sa paghahatid ng balita tungkol sa bagong Santo Papa pero ang kanilang main video ay naka-hook up sa EWTN. At ang nakakatuwa, lahat ng istasyon ay may ratings.
Nakakatuwa rin isipin ang ganyan na basta pala sa pananampalataya ay nagkakaisa pa rin ang ating mga mamamayan.
Best actress ni Angel pinaboran sa survey
May nakita kaming isang survey na nagtatanong kung ano raw ba ang palagay sa panalo ni Angel Locsin sa Star Awards for Movies bilang best actress. May 56.9% sa mga sumagot ang nagsabing naniniwala silang dapat talagang manalo si Angel. Ang 35% naman ang nagsabing dapat ay si Nora Aunor ang nanalo. Ibig sabihin, mas sinundan ng Star Awards ang popular choice. Mas katanggap-tanggap nga namang best actress si Angel kaysa kay Nora base sa survey. Siguro napanood naman nila ang pelikula ni Angel sa film festival na lumabas na No. 2 sa box-office returns.
Talent manager pinipilit ilako ang alagang
aktres sa mga pulitiko, ayaw namang kagatin dahil may masamang imahe na
Panay daw ang ikot ng isang talent manager at pinipilit na iniaalok ang kanyang alagang aktres para sa kampanya pero mukhang walang pulitikong kumakagat dahil masama na talaga ang kanyang image lalo na sa mga kabataan.
- Latest