^

Pang Movies

Gov. ER naglabas ng sentimyento sa MMFF

- Vinia Vivar - Pang-masa

Pinaninindigan pa rin ni Laguna Governor Jorge ER Ejercito ang nauna niyang pahayag na dapat ay kumuha ng credible and competent judges ang Metro Manila Film Festival (MMFF) at ito naman ay smart suggestion lang.

“’Yun ang request ko kay Chairman (Francis) Tolentino that they should get competent judges na nakakaalam ng pelikula,” he said nang makausap namin siya matapos siyang manalo bilang Best Actor sa Star Awards for Movies last Sunday.

 â€œMabigat ang pagdya-judge ng pelikula—technically, pati acting-wise. Kailangan naka­kain­tindi ng pelikula,” he added.

Isa pang suggestion ni ER, alisin na ang “Metro Manila” sa titulo at gawin na lang daw The Filipino Film Festival.

“Para naman pagbunot ng theaters ay sa buong Pilipinas at hindi lang sa Metro Manila kasi unfair naman sa aming mga maliliit na producer, ’di ba? 

“Ang theaters namin, forty-four lang compared to Sisterakas which got one hundred thirty-plus theaters. So, dapat ‘yung MMFF, maging The Filipino Film Festival at ang bunutan ay buong Pilipinas. Dapat i-amend ’yung charter nila at lawakan ang kanilang mandate,” suhestiyon pa ng gobernador.

Pero kahit may mga disgusto siya sa MMFF, ani ER ay hindi naman ito dahilan para hindi na siya gumawa ng pelikula para ilahok dito.

“Hindi, kasi commitment ko eh. Dati akong presi­dente ng Actors’ Guild, ’di ba? Ang commitment ko one movie a year. Ang dami kong tinutulungang artista saka technical people,” sabi ng actor-politician.

For this year, mayroon na siyang pelikulang nakatakdang isali sa MMFF, ang Boy Golden na another true story and this time, balik-gangster na naman ang role niya dahil ito raw ang mas gusto ng fans niya na ginagampanan niyang papel.

For the leading lady, nag-meeting na sila ni Vic del Rosario of Viva Films and hopefully ay makuha nila si KC Concepcion.

Kung hindi puwede si KC, sino pa ang nasa isip niya?

“Kanina, nag-usap kami ni Angel (Locsin), lucky charm ko si Angel eh. Sabi ko, panahon na para gumawa tayo ng magandang pelikula. Pag-uusa­pan pa namin,” sagot ni Gov. ER.

Albie lantaran na ang pakikipagrelasyon sa iba

Still on the Star Awards for Movies awarding, marami ang nagtatanong kung sino ang kasamang date ni Albie Casiño na isang tsi­nitang girl. Sa mga hindi nakakaalam, ang ka­sama ng young actor ay si Dawn Balagot, talent ng Star Magic of ABS-CBN na siyang girlfriend niya ngayon.

Actually, Dawn Jimenez ang screen name niya at Balagot ang real surname niya. Si Albie ang escort niya dahil nominated siya sa Star Awards for Best New Movie Actress para sa Indie film na The Animals na naging entry pa sa Cinemalaya last year.

Nang huli naming makausap si Albie two weeks ago, no comment ang sagot niya tungkol sa kanyang love life dahil aniya ay private life naman niya ’yun. Pero say niya, tanggap naman ng girlfriend niya ang lahat nang nangyari sa kanya in the past.

Ngayong nakita na silang magkasama sa isang showbiz function, ibig lang sabihin nito ay open na si Albie sa kanilang relasyon.

 

 

ALBIE

ALBIE CASI

BEST ACTOR

BEST NEW MOVIE ACTRESS

BOY GOLDEN

FILIPINO FILM FESTIVAL

METRO MANILA

NIYA

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with