^

Pang Movies

Sunshine dinadagsa na ng offer, kakayod na para sa mga anak

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tuluyan na ngang hiniwalayan ni Sunshine Cruz ang kanyang mister na si Cesar Montano. Para masuportahan ang kanyang mga pangangaila­ngan at gano’n din naman sa kanyang mga anak, ipinasya ni Sunshine na magtrabahong muli at magbalik sa kanyang acting career. Marami naman daw agad offer na dumating kay Sunshine.

Nakakatuwa dahil nagbalik na bilang artista si Sunshine. Nakakalungkot naman na nagkahiwalay silang mag-asawa.

Award-giving bodies hindi puwedeng mamali

Matapos na manalo bilang best actor sa Star Awards for Movies sa ikalawang sunod na pagkakataon, nanawagan si Gov. ER Ejercito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na pumili naman ng mas credible na jurors. Dalawang magkasunod na taon din kasi siyang tinalo ni Dingdong Dantes sa MMFF.

Pero masasabi nga bang dahil sa pangyayaring ’yan ay maaa­ring sabihing incompetent ang mga juror ng MMFF? Hindi ba ang ti­yuhin niyang si Jessie Ejercito ang chairman ng executive committee ng MMFF?

Hindi naman siguro masasa­bing hindi credible ang MMFF pero nangyayari naman talaga na magkakaiba sila ng choices. Iba kasi ang mga kritikong nanood sa MMFF. Iba rin naman kasi ang mga member ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Kung minsan nga hindi sila nagkakapareho ng desisyon ng Enpress (Golden Screen Awards) kahit na pareho silang grupo ng mga entertainment writer.

Iba rin naman ang choices ng FAMAS at ng Gawad Urian. Anuman ang sabihin ninyo, hindi maaaring sabihing mas credible talaga ang mga Manunuri (Urian) kaysa sa FAMAS. Kahit ang members ng FAMAS, binubuo ng mga pulis, bumbero, retired na militar, at mga matatanda na, at jobless na movie writers, ay may choice rin sila.

Hindi mo rin sila ma-question dahil sa kanila naman ang awards eh. Basta ang isang award-giving body ay gumawa ng desisyon, ang sinasabi nila ang kanilang napili ay siyang pinakamahusay, ayon lamang sa kanilang panuntunan. Hindi nila masasabing iyon talaga ang magaling. Nasa publiko na lang din kung ang mga pinapanalo nila ay paniniwalaan ng mga tao o hindi.

Madalas, hindi rin kami pabor sa desisyon ng mga award-giving body eh, kaso sa kanila iyon eh. Walang kapangyarihan kahit na sino na tanungin sila tungkol sa kanilang choices. Kung masama man ang resulta, puwede mong sabihing masama ang choices nila pero hindi mo masasabing mali iyon.

 

vuukle comment

CESAR MONTANO

DINGDONG DANTES

GAWAD URIAN

GOLDEN SCREEN AWARDS

JESSIE EJERCITO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with