Tawid Eskwela ni Jay Taruc ngayong gabi
MANILA, Philippines - Matatagpuan ang Tawi-Tawi sa pinaka-katimugang bahagi ng Pilipinas. Ang lugar na ito ay laman ng balita dahil sa kasalukuyang gulo sa Sabah. Pero hindi lang ito ang problema ng probinsya. Isa rito ay ang edukasyon.
Ang mga estudyante sa malayong isla ng Sitio Siculan ay kailangan pang bumiyahe ng halos isang oras sa dagat para lang marating ang Sibutu kung saan naroon ang paaralan para sa elementarya. Kailangang manatili ng mga bata ng limang araw sa barangay hall dahil hindi kaya ng mga pamilya na tustusan ang gastos ng madalas na pagbiyahe.
Si Jibal, 12 taong gulang na Tausog, ang tumatayong tatay at nanay sa kanyang maliliit na kapatid tuwing pasukan. Dahil sa kahirapan, ang taÂnging pinapakain niya sa mga kapatid ay lugaw na may asin para sa agahan, tanghalian, pati na hapunan. Ang kanyang ama ay umaani ng “agaragarâ€, isang klase ng seaweed na pumapalibot sa buong isla ng Siculan. Pag sinuwerte, makakabili sila ng noodles o kaya sardinas. Walang ibang magawa ang pamilya kundi ang magsakripisyo sa ngalan ng edukasyon. Ang kagustuhang makatapos ang nagtutulak sa mga bata para magtiis sa kanilang kalagayan.
Tunghayan ang Tawid Eskwela ngayong gabi sa I-Witness, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.
- Latest