^

Pang Movies

Kahit mother role ayaw pumayag Oyo ipinagdadamot ang ganda ni Kristine

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Kahit pala gustuhin ni Kristine Hermosa na tumanggap na ng mother roles sa mga TV drama, hindi rin puwede.

Ang ayaw pumayag, ang kanyang mister na si Oyo Sotto. Kahit sabihin pang dalawa na ang anak nila, ang ganda naman ni Kristine ay pang-leading lady pa rin at hindi pang-nanay sa teledrama.

Aktor na nag-advertise sa magasin ng award-giving body nag-expect ng kapalit na award

Nagreklamo ang aktor nang hindi magwagi ang hinangad na award.

‘‘Sayang naman ang binayad ko sa ad, hindi naman pala ako mananalo.”

Akala niya kapag nagpa-advertise sa souvenir program, winner na siya.

Upang matigil na ang reklamo, ibinalik ng presidente ng grupong nagbigay ng pangaral ang perang nagasta ng aktor sa paglalagay ng ad. Pero hindi na puwedeng tanggalin ang kanyang anunsiyo. Na-print na at naipamahagi na ang magazine.

Panahon na naman ng mga award. Kaya marami tayong ma­ririnig na mga kakaibang kuwento. Meron diyan na binibili talaga ang award. Sa tagal namin sa showbiz, marami na kaming alam na celebrities na talagang gumasta nang husto manalo lang!

Meron naman kasing mga kasapi sa award-gi­ving bodies na mga alipin ng salapi. Garapal talaga at handang ipagbili ang kanilang mga boto, kumita lang. Daig pa ang national elections!

Concert ng Journey kinansela na, dalawa pang foreign shows nagre-refund na ng tickets

Inamin mismo ni Arnel Pineda, lead vocalist ng Journey, na mahina ang benta ng ticket ng kanilang darating na live concert sa bansa kaya na-cancel ito.

Pakiramdam ni Arnel ang darating na eleksiyon at Holy Week ang dahilan kung bakit naging mabagal ang takbo ng kanilang ticket sales.

Bago ang Journey show cancellation, meron ng mga naunang live concert na hindi natuloy — ang Smash Project 2013 at ang Adam Lambert Live in Manila. Merong internal problems ang production company ng mga nasabing concert kaya’t hindi tinuloy ang kanilang dalawang shows.

Nagsisimula ng mag-refund ang SM sa mga bumili ng ticket sa dalawang shows.

Mabuti naman ito para sa mga Pinoy talent dahil higit na kikita ang kanilang mga palabas.

Melai binasted ang Australyanong manliligaw dahil kay Jason

Sadyang malapit ang mga foreigner sa mga komed­yana. Si Cacai Bautista, Mario Maurer ang nahalina. Si Melai Cantiveros naman Australyano ang lumigaw.

Chika nila, binasted ni Melai ang banyagang tagahanga. Binalikan niya si Jason Francisco na tunay na mahal niya.

Paninita ng MTRCB nagagamit pa ng TV shows

Tatlong mga live TV show ang nasa listahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) upang obligahing kumuha ng gender sensitivity seminar ang kanilang staff — Party Pilipinas ng GMA, ABS-CBN’s ASAP 18, at Wowowillie ng TV5.

Ang mga nasabing palabas, ang feeling ng TV audience ay ginagamit pa ang pagsita sa kanila ng MTRCB upang ma-publicize ang kanilang mga show. Mukhang natutuwa pa na maparusahan sila at big­yan ng disciplinary action!

Sam nag-eendorso na ng cologne na gawa ng malaking plastic company

Maniwala ba kayo na si Sam Milby ang newest endorser ng Tupperware? Naku hindi po mga plastic na kasangkapan ang kanyang inaanunsiyo kundi ang Sam Milby Gentleman na latest fragrance ng kompanyang kilala sa pagbebenta ng matitigas at matitibay na plastic wares.

Ang bagong pabango ni Sam ay happy blend ng spicy musk at sandalwood, na available in Body Mist, Body Spray, at Body Splash.

Alin kaya ang higit na tumatagal ang bango, Tupperware scent o mga Bench cologne?

 

ADAM LAMBERT LIVE

ARNEL PINEDA

BODY MIST

BODY SPLASH

BODY SPRAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with