^

Pang Movies

Oyo kinakarir na ang pagka-padre de pamilya

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Ibang-iba na ang priority ngayon ni Oyo Sotto at ito’y ang pagiging padre de pamilya. Noong binata pa ito ay sarili lang niya ang mahalaga pero ngayon ang pagiging daddy na ang nauuna sa dalawa nilang anak ni Kristine Hermosa.

Ayon pa kay Oyo, kahit mahirap ang maging ama ay masaya naman siya. Ang adopted son nila ay limang taong gulang na at ang bunso ay si Ondrea Bliss na isang taon na at dalawang buwan.

Wala siyang kontrata kaya malayang makapagtrabaho sa alinmang network.

Totoo bang galit siya kay Pauleen Luna na siyang karelasyon ngayon ng kanyang ama?

Para sa aktor, kung sino naman ang makapagpapaligaya sa kanyang ama ay okay lang sa kanya dahil malaki ang respeto niya sa kay Vic Sotto.

Balik-GMA 7 si Oyo sa proyektong Vampire ang Daddy Ko.

Julia gagawin ang lahat para mag-ala Claudine

Kinse anyos lang at magandang bata si Julia Barretto na kabilang sa Star Magic Circle 2013. Bata pa ay hilig na talagang mag-artista at ngayon ay pangarap na magkaroon ng teleserye gaya ng kanyang mga tiyahin na sina Gretchen at Claudine Barretto.

Inamin nito na may pressure rin sa kanyang pagpasok sa showbiz pero gagawin niya ang lahat para pagbutihang mabuti ang pag-arte at sundan ang mga yapak ng dalawang tita.

Crush pala niya si Sam Milby dahil malakas daw ang dating sa kanya bukod pa sa magaling kumanta. Pangaral sa kanya ng kanyang mommy at daddy na sina Marjorie at Dennis Padilla na maging humble at makisamang mabuti sa mga kasamahan sa industriya.

Aljur dumadaan sa matinding physical training

Kasama na sa Indio si Aljur Abrenica kung saan gagampanan nito ang papel ni Bagandi, isang datu ng maliit na banwa. Bagay naman sa kanyang karakter ang aktor dahil matikas ang pangangatawan at maaasahan sa akting.

Nag-undergo ito ng workshops at physical training para maging reyalistiko sa karakter na gagampanan.

Isa sa mga aabangan ng mga manonood ay kung magiging kaibigan ba o kaaway siya ni Simeon/Indio (Sen. Bong Revilla, Jr.).

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BONG REVILLA

CLAUDINE BARRETTO

DADDY KO

DENNIS PADILLA

INDIO

JULIA BARRETTO

KRISTINE HERMOSA

ONDREA BLISS

OYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with