Daniel nagbabantang unahan si Coco
MANILA, Philippines - Nakaka-alarma ang kasikatan ng binatilyong anak ni Karla Estrada na si Daniel Padilla. Kung hindi mag-iingat ng pagbibigay ng tamang pelikula o TV show sa bagong idol ng ABS-CBN na si Coco Martin baka malusutan na siya ni Daniel sa popularidad. Balita pa namang hindi gaanong nag-click ang tambalan nina Coco at Julia Montes sa pelikula kesehodang sa abroad pa nga ginawa ang shooting.
At para naman kay Kathryn Bernardo, may nag-aalala na hindi kaya maagaw daw ng ibang chicks si Daniel sa kanya? Pila-pila raw kasi ang nagkakagusto sa teen actor. Abangan din natin kung ano ang mangÂyayari sa kanilang unang pelikula.
Pagsasama ng dalawang singer ng Pusong Bato naudlot, unethical daw
Kabang-kaba ang queen ng Pusong Bato na si Aimee Torres dahil sa March 10, magkakaroon siya ng concert sa SM San Pablo, ang bayang kanyang sinilangan o hometown kumbaga. Hindi raw maipaliwanag ni Aimee ang nararamdaman niya dahil kasi sa sarili niyang lugar na magtatanghal.
Anyway, handang-handa naman siyang sumugod sa Iloilo City sa March 17 kung saan naman siya susunod na kakanta at sa April 27 naman ay nasa Marvel, General Santos si Aimee.
May offer palang magkasabay silang kumanta ng Pusong Bato ng singer/composer na si Renee dela Rosa ng Alon Band kaso hindi natuloy dahil sa magiging unethical daw kung magsasama sila sa show.
Kidlat lumaylay na
Nakahihinayang naman ang ganda nang simula ng teleserye ni Derek Ramsay sa Kidlat, pero ngayon ay nagmimistulang cartoon na dahil may iba’t ibang ginagawang sandata ng mga gumaganap. Sana sinerÂyoso na lang hanggang matapos ang istorya.
Nakakawalang gana ’yung mga animation na halatang gawa sa goma ang balat na hindi nakakatakot man lang kahit sa mga batang nanonood.
Sayang din ang talent ni Baron Geisler. Wala man lang challenge ang role niya.
- Latest