^

Pang Movies

Aiko ibinuking na ang balikan nila ni Jomari!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Three years nang loveless si Aiko Melendez at mukhang hiyang naman siya na walang boyfriend dahil sa solo presscon niya last Thursday para sa seryeng Apoy sa Dagat, hangang-hanga ang lahat sa kanyang timeless beauty lalo pa nga’t ang laki na ng ipinayat niya ngayon.

Ayon kay Aiko, mas happy siya ngayon na single siya at naka-focus lang sa work at sa mga anak niya.

“Oo kasi kaya ko naman pala eh. I first thought na hindi ko kayang mag-isa. Hindi pala. Kaya ko pala. Mas okay pala. I’m not closing my doors pero for now kaya ko naman na nandyan ang anak ko na sila na ang nagsisilbing inspirasyon para sa akin,” she said.

Bale ba ay single rin ngayon ang kanyang ex-husband na si Jomari Yllana kaya biniro siyang bakit hindi na lang sila magbalikan tutal naman ay may anak sila?

“Hmmm. Gusto ko siyang pahirapan,” say niya na ikinagulat ng lahat.

Natanong tuloy siya kung bumabalik nga talaga sa kanya si Jom.

“Hindi, hindi,” natatawa niyang sagot. “Minsan si Jom kasi, ano eh, nandiyan ’tapos bigla na lang mawawala. May sariling mundo. But alam ko, I know for a fact na ’yung pagmamahal sa akin ni Jomari is mas matindi pa kaysa sa pagmamahal niya sa akin noon. Mas mahal niya ako ngayon. Alam ko ’yun.”

Paano niya nalaman?

“Kausap ko ’yung son ko (Andrei, anak nila ni Jom) kasi they went to Baguio a week ago. So, kagabi lang, sinabi sa akin ni Andrei na ‘Mommy, dad still loves you very much and ikaw lang daw ang babaeng minahal niya nang sobra,’” kuwento ni Aiko.

Biniro tuloy si Aiko ng entertainment press na kilig much naman yata ang dialogue na ’yun.

Pero sa ngayon, ani Aiko, wala pa naman sila sa stage ng reconciliation pero, say niya, we can never tell.

Ano ang masasabi niya sa isang pahayag ni Jom na kung may gusto siyang balikan sa mga naging past niya ay siya ’yun?

“Well, at least, ’di ba? Alam ni Jom na nagkamali man siya dati eh ’yung babalikan at babalikan pa rin niya eh naging nanay ng anak niya at may souvenir kami — si Andrei,” sagot ng aktres.

Ang nakakatuwa, up to now, ang tawagan pa rin nila ay Mama and Dada.

“Kanina lang, on my way here, sabi niya, ‘Mama, ano’ng gagawin mo sa ABS-CBN?’ Sabi ko, may presscon ako. Sabi niya, ’pag wala kang ginagawa, usap tayo. Kailangan naman din naming mag-usap kasi nga for Andrei. Sabi niya, ‘Kuwentuhan tayo kasi nami-miss na kita.’

“We can joke around na kasi eh. Sabi ko sa kanya, ‘Siguro, hindi na naman nag-oo ’yung booking mo.’ Sabi niya, ‘Ikaw talaga mama, lukaret ka talaga.’ Sabi ko, ‘Kaya nga minahal mo ako nang sobra-sobra kasi sa pagiging ganito ko,’” kuwento pa rin ni Aiko.

Kung sakali raw na magbabalikan sila, gusto niya ay kusa nilang dalawa. Actually, legally ay mag-asawa pa rin sila up to now dahil hanggang ngayon pala ay hindi pa naga-grant ang annulment nila.

“Siguro, hindi ko alam and only time and God will know kung ano ba ang plano Niya,” she said.

Anyway, next week ay mapapanood na si Aiko sa Apoy sa Dagat bilang si Odessa ang ina ng kambal na ginagampanan ni Angelica Panganiban. Matatandaang si Nikki Gil ang unang gumanap ng naturang papel sa pilot week ng serye.

vuukle comment

AIKO

ALAM

ANDREI

ANGELICA PANGANIBAN

JOM

JOMARI YLLANA

NIYA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with