^

Pang Movies

Asyanong director naging matagumpay sa Stoker

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Iilan lang ang gumagawa ng mga pelikulang pyscho-thriller, ‘yung target tipong Alfred Hitchcock ang dating, dahil sa maliit na market nito. Pero kapag nagawa naman ng matino at nahusayan sa mga gumanap ay maisasama na ito sa  listahan ng mga kakaibang movie experience.

Ito ay ang Stoker. Isang pelikula na gawa ng isang Asyano, hindi Puti, na nakakapagpagulo ng isip kahit pa-exit na kayo ng sinehan. Nakakaalog ng utak, kumbaga, dahil intelihente ang pagkakagawa kahit nakakalungkot at nakakainis ang mga pangyayari.

Nakakabanas din ang tatlong pangunahing bidang sina Evelyn (Nicole Kidman), India (Mia Wasikowska), at Uncle Charles (Matthew Goode) dahil ang gagaling nila sa kani-kanilang komplikadong karakter. Sila ang pamilyang Stoker.

Love them-hate them ang mararamdaman ng moviegoers. Maganda pero hindi ito pang-komersiyal. Nagbayad ka sa sinehan para ma-disturb pagkatapos.

Sa Stoker, si Uncle Charlie ang black sheep ng kanilang pamilya. Pero understatement pa ‘yun. Kinatatakutan at inilayo na siya ng sarili niyang pamilya dahil sa ginawang pagpatay sa nakababatang kapatid. At dahil nasa dugo pala nila ang diperensiya, ayun, at naipasa na kay Mia (India). At na-realize lang ang lahat na siya ang “tagapag-mana” ng mental disorder sa kanyang 18th birthday pa.

Wala namang kamuwang-muwang ang biyudang si Evelyn dahil inilihim ng kanyang yumaong asawa (Dermot Mulroney) sa kanila ni Mia ang mapait na pangyayari sa kanilang magkakapatid noon. Kaya hindi niya kilala si Charles o Charlie, ang bagong salta sa bahay at buhay nila ni Mia.

Bukod sa violence, may sexual content din ang pelikulang idinirek ng Koreanong si Park Chan-wook na mas nagpakapal sa istorya. 

Maganda ang cinematography ng Stoker, pati na ang paggamit ng mga damit ng mga karakter, o ang mga gamit sa bahay. Nakadagdag pa ng tindig sa balahibo ang musika, lalo na ang piano, na mahusay na tinutugtog ni Mia at ng kanyang tito.

Malayo rin sa pagiging palamuti lang sa pelikula ang tila hilo pang biyuda na si Evelyn. Kahit hindi siya magsalita, may misteryo siyang dala. Isang mayamang stylish, napaka-elegante at sopistikada niya para maging flirt (sa kapatid ng namatay na asawa), dala na rin ng matinding kalungkutan. Hindi kasi sila close ni Mia.

Sa bandang huli, mahirap palagpasin ang Stoker dahil bibihira lang tayong dalawin ng ganitong istorya. Paminsan-minsan ay maganda rin ’yung naaalog ang utak at nadi-disturb.

Palabas na ngayon ang pelikulang mula sa Fox Searchlight Pictures. R-16 ito.

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

 

 

ALFRED HITCHCOCK

DAHIL

DERMOT MULRONEY

EVELYN

FOX SEARCHLIGHT PICTURES

ISANG

MAGANDA

MATTHEW GOODE

MIA WASIKOWSKA

NICOLE KIDMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with