^

Pang Movies

Nanay nagmamaganda na naman, BF ng aktres na sikat at mataas na ang posisyon kinokontra pa rin

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pa rin pala pabor sa boyfriend ang ina ng kilalang aktres. Kahit establisado na sa buhay ang lalaki, hindi pa rin solved ang ina ng aktres.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang ina nang sinabihang kaibigan kung bakit ayaw niya sa lalaki. Eh, sa obserbasyon ng kaibigan, mukhang lahat naman ng nakarelasyon ng anak, ayaw ng mother, huh!

Kaso, dumating na yata ang puntong wala nang pakialam ang anak sa sasabihin ng ina sa boyfriend kaya malaya siyang gustong gawin ang layaw niya sa boyfriend, huh!

LT isang buwang magpapahinga!

Nalulungkot si Lorna Tolentino sa pagtatapos ng drama series niyang Pahiram ng Sandali ng GMA. Lahat daw ng cast ay kanyang mami-miss dahil hindi rin niya sure kung kelan niya silang makakasamang muli.

 Magagawa na nga ni LT na magbakasyon grande sa pagtatapos ng PNS. Kahit meron pa siyang isang drama series na gagawin sa GMA bilang bahagi ng dalawang taong kontrata niya sa Kapuso.

“Kailangan ko naman ng one month na pahinga! Sa Hong Kong, Boracay, alis kami ni Manay Lolit sa July punta sa Paris kasama ang mga bata!” sey niya.

Kasama ba si Maxene Magalona (na girlfriend ni Renz)?

“Hindi ko alam! Ha! Ha! Ha! Kayo talaga!” pagkabiglang tugon ni Lorna.

 

vuukle comment

BORACAY

KAHIT

KAILANGAN

KAPUSO

KASAMA

KASO

LORNA TOLENTINO

MANAY LOLIT

MAXENE MAGALONA

SA HONG KONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with