^

Pang Movies

Robin gustong sumali sa giyera

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Paalala lang, baka masyado na namang nai-involved si Robin Padilla sa kaguluhang kina­sangkutan ng sultanato ng Sulo. Ok lang na tumulong siya at dumalaw kay Sultan Jamalul III na bukod sa siyang humimok sa kanyang pumasok sa Islam ay ninong pa sa kasal nila ni Liezl Sicangco. Nagbigay pa siya ng tulong sa pagpapagamot noon.

Pero iyong balak niyang pagpunta mismo sa Malaysia para tingnan ang kalagayan ng mga tauhan ng Sultan doon ay medyo delikado. Ipinagbabawal na nga ng Malaysian authorities ang pagpunta ng kahit na sino sa lugar na iyon na itinuturing na nilang isang war zone, tapos pupunta siya roon. Papaano kung may mangyari sa kanya?

Kaso ni Paulo madaling ‘ayusin’

Hindi ba nakakatawa naman talaga iyong joke ni Paulo Avelino na mahirap ang ginawa niyang pagpe-present ng award dahil napipilitan lang siyang gawin iyon. Aba para siguro sa kanya, mas madali pa ang mag-pose nang walang suot kundi underwear kaysa sa mag-present ng award dahil may bayad iyon. Mas madaling maging tatay ng walang kasal, kaysa mag-abot ng award na napipilitan lamang siya.

Kanya-kanyang trip iyan eh. At saka bakit naman sasabihin ng kanyang manager na nagbibiro lamang siya nang sabihin iyon eh baka naman nagsasabi lamang siya nang totoo na ginagawa niya iyong mabigat sa kalooban niya?

Palagay namin, napaka-simple lang naman ng kasong iyan. Kung ganoon lang at nasaktan sila sa kanyang “joke” eh ‘di ignore na lang siya. Maaari mo rin sabihin kasi kahit na papaano na mahirap siyang isulat nang napipilitan ka lamang. Ang punto lang diyan, baka naman basta tumawag iyan ng press conference o Christmas party pagkatapos nariyan din sila kahit na mabigat ang kanilang kalooban. Baka sabihin nila pagkatapos na “napipilitan lang kami” hindi na nila masasabing joke iyon.

Minsan masakit sa loob na tanggapin ang katotohanan na parang nawawalan na rin ng respeto ang iba sa mga movie writers dahil sinasabing sila ang “pinaka madaling kausapin.”

Minsan binastos kami ng isang director ng mga flop na pelikula, hindi kami kumibo. Pero magmula noon hindi kami nagpupunta sa mga press conferences na kasama siya kahit na makum­bida kami. Hindi rin namin sinusulat o binabanggit man lang ang kanyang pangalan. Ngayon may career pa rin kami. At ano na ang career ng director na iyon na ang lahat ng ginagawang pelikula ay flop?

Ganyan lang ang buhay, parang life.

Male starlet na hindi makaarte, may pinaghahandaan

Kung magsalita ang isang male starlet, pinaghahandaan daw niya nang husto ang pagsali niya sa isang serye sa telebisyon. Hindi namin malaman, sinasabi ng iba na mabigat siyang dalhin eh bakit idadag­dag pa siya sa seryeng iyon na tinatalo na nga ng kalaban nila? Baka lalong lumubog ang serye. Isa pa, ano kayang paghahanda ang ginagawa ng male starlet eh talaga namang hindi siya marunong umarte? Ano ang ihahanda niya?

IYON

LANG

LIEZL SICANGCO

MINSAN

PAULO AVELINO

PERO

ROBIN PADILLA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with