Pagbabalik-pelikula ni Ronnie suportado ng mga Muslim
Naging isang malaking tagumpay ang premiere night ng The Fighting Chefs, tampok si Ronnie Ricketts, kasama ang buong cast. Naroon ang producer nito na si Vic del Rosario ng Viva Films at mga piling panauhin mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.
Ang mga Muslim na dating nagbebenta ng pirated tapes at ngayon ay sumusuporta sa anti-film piracy campaign ay naroon din para suportahan ang Optical Media Board (OMB) chairman.
Maraming naaliw sa pelikula. Malinis at maganda rin ang pagkakagawa nito. Hinaluan ito ng comedy at action at may values na matututunan. Sa movie, si Ronnie ay isang Master Chef na nagmamay-ari ng restaurant sa Elite Square na may inihahandang miraculous recipe kung saan dinarayo ang kanyang herbal soup na nagpagaling kay Don Manalo na siyang may-ari naman ng lupang kinatitirikan ng Elite Square.
Pinaka-highlight ang pagkakaroon ng conflict sa pagitan ng don at mga chef kung saan nagkaroon ng away para ipaglaban ang karapatan na huwag i-give up ang Elite Square.
’Kaaliw ang pelikula na tiyak na maiibigan ng mga manonood at palabas na ngayong araw. Sa direksiyon din ito ni Chair Ronnie mula sa Viva Films at Rocketts Productions.
Patuloy pa rin ang pangangalaga sa OMB ni Chair Ronnie at katunayan ay umani sila ng papuri dahil sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno gaya ng Intellectual Property Office of the Philippines, Philippine National Police, National Bureau of Investigation, at ibang law-enforcing agencies para sa pagsugpo ng pamimirata sa bansa.
Pinarangalan ang pamunuan ng Director General Ricardo Blancaflor at ni OMB Chairman Ricketts para sa effective approaches sa pagsugpo ng piracy sa bansa.
Pinagkalooban din ng Certificate of Recognition ng FAMAS si Ronnie kung saan dahil sa kampanya laban sa film piracy na sa nakalipas na taon ay wala ni isa mang entry na napirata sa Metro Manila Film Festival mula Disyembre 25, 2012 hanggang 2013.
Mariz magpapaka-stage mother na
Pumasok na rin sa showbiz si Marella na eldest daughter nina Ronnie at Mariz bilang kahera ng restaurant na pag-aari ng Master Chef na ama. Eighteen years old na ang dalaga at first year college sa Ateneo University taking up AB Communication. Nag-try siya sa showbiz pero priority pa rin ang pag-aaral.
Biro nga ni Mariz, “Magpapaka-stage mother na ako ngayon.â€
- Latest