Marian pinaglihiman sa tinanggap na award
MANILA, Philippines - Ang alam pala ni Marian Rivera nang sunduin siya ng manager niya sa taping ng Temptation of Wife, a-attend siya ng 2012 Golden Screen TV Awards dahil siya ang tatanggap ng award ng epic serye niyang Amaya. Nagtaka siya na hindi naman ang Amaya ang nanalo. Kaya nabigla siya nang tawagin ang name niya as the winner ng Outstanding Performance by an Actress in a Drama Series.
Nang mag-thank you speech, nabasag na ang boses niya at sabi sa kanyang manager, after seven years, best actress na siya. Pinasalamatan din niya ang boyfriend na si Dingdong Dantes, si Direk Mac Alejandre, direktor ng Amaya at production staff nila, ang GMA Network. Magiging inspirasyon lalo sa kanya ang award para lalong paghusayin ang acting niya.
Alden pinatawad na ang tricycle driver na nakabangga sa kotse
Ang laki naman ng puso ni Alden Richards. A few days ago nadismaya ang aktor nang banggain ang bago niyang kotse ng isang tricycle na nagde-deliver ng bottled water. Malaki ang sira ng kotse pero nang makaharap ni Alden ang tricycle driver at humingi ng sorry, hindi na niya ito sinisi at pagbayarin ng danyos, dahil nakita niyang wala naman itong kakayahang magbayad.
Pinatawad niya ito at ipinagpasalamat na lamang na pare-parehong walang nasaktan sa kanila, ang tricycle driver at silang magkakasama sa kotse.
Ipinasok na niya agad sa casa ang kotse, na kailangang-kailangan na niya dahil next week ay magsisimula na siyang mag-taping ng Mundo Mo’y Akin na balik-tambalan nila ni Louise delos Reyes sa direksiyon pa rin ni Andoy Ranay at ang lumang kotse muna ang gagamitin niya.
Excited din si Alden dahil sa bagong primetime soap ang makakasama naman nila ni Louise ay ang dalawang mahuhusay na aktres, sina Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon, sa first project nito sa muling pagbabalik sa showbiz. Ito ang papalit sa matatapos nang Pahiram ng Sandali na nasa last two weeks na at napapanood pagkatapos ng Indio sa GMA 7.
- Latest