^

Pang Movies

Teen actor madalas nawawala, nagbababad pala sa bahay ng palaging kadikit na teen actress

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Kahit wala na silang ginagawang teleserye, daig pa ang pagkit na laging magkadikit ang da­lawang young stars. Naloloka ang kanyang ta­lent manager sa teen guy dahil mahirap hagilapin.

Lagi kasing naka-off ang cell phone kapag kasama ang girl. Kahit kailangan siyang mag-attend ng workshop at iba pang showbiz commitments, hide-and-seek ang drama ng manager at talent.

Nagbababad sa house ng young actress ang teen guy. Kampante na sa kanya ang parents ng girl dahil magalang ang boy. Ewan lang namin kung kapag nasa loob siya ng room ng starlet, saka lang lumalabas ang kanyang “kabastusan”.

Gov. ER Ejercito tinatrabaho na ang buhay ng isa pang siga

Sa maraming mensaheng padala ng fans ni Laguna Gov. ER Ejercito, sinasabing higit nilang gusto ang actor/politician na gumanap sa mga gangster role. Higit nilang na-appreciate ang Asiong Salonga sa napakagastos na El Presidente.

Kaya naman ang balak gawin ng re-electionist Laguna governor for the 2013 Metro Manila Film Festival, ang kasaysayan ng isa pang siga-siga, si Boy Golden.

Nakausap namin ng personal si Boy Golden, noong buhay pa, at kahawig siya ni Jorge Estregan, Jr. Isang hindi malimot na karanasan ang nangyari sa amin, sa malaking bahay ng mga Kalambakal, noong maging bisita si Boy Golden doon. Hindi naman ako papayag na maging bahagi na ito ng gagawing pelikula.

Simula na ang La Laguna Festival sa Marso 8, na 72 big events ang tampok. Ayon sa gobernador na pinarangalan ng Presidential Award on Good Governance at ng Good Housekeeping honor kahit first term pa lang niya, lahat ng activities sa annual festival ay pawang mga highlight.

Meron pa silang mga beauty pageant tulad ng Bb. Laguna, Ginoong Laguna, at Miss Gay Laguna.

Nakatakdang simulan ang post-production works para sa Boy Golden, pagkatapos ng shooting ng third son ni Gov. ER na si Jericho Ejercito, for Alyas Ben Tumbling, na ginampanan ni Sen. Lito Lapid ang original version.

Libro ni Carmen Rosales babagay sa film students

Sandaling nagbalik-bayan ang dating writer/publicist na si Manny B. Fernandez at kanyang misis na si Aida upang dumalo sa launching ng kanyang libro, A Tribute to the Movie Queen Carmen Rosales — Ang Tangi Kong Pag-ibig. Bukod sa maganda ang pagkakasulat ni Manny ng talambuhay ng dakilang aktres, tampok sa aklat ang mga rare photo ni Mameng, from Danny Dolor’s collection of movie memorabilia.

Naging teacher pala si Manny, kilala noon sa showbiz circle as the other Mameng, sa isang public school sa Glendale, California bago nag-retire sa States ang American citizen.

Tampok din sa aklat published by art patron Danny Dolor, ang kanyang collection of movie ad layout ng mga pelikula ni Carmen Rosales. Lahat ng movie fans and film students dapat magkaroon kayo ng kopya ng A Tribute to the Movie Queen.

Starlet na malikot ang kamay, suut-suot paang ninakaw na belt kahit may initials ng tunay na may-ari!

Eres Tu (malikot ang kamay o kawatan) pala ang isang magandang starlet. Nakasama niya sa isang dressing room ang aktres noong mag-provincial show ang dalawa.

Burara kasi ang aktres na iniwang nakakalat ang kanyang mamahaling designer belt. Hindi niya namalayan na naglaho na ito.

After several weeks, nakita niya ang artistang kasama sa probinsiya na suot ang kanyang missing belt. Na meron pang initials ng may-ari. Hindi puwedeng mag-deny kung sino ang nag-Eres Tu!

Leo nagkaproblema sa The King and I?

Ano kaya ang naging problema ni Leo Valdez at hindi nagtagal as the king sa local version ng stage musical na The King and I? Sabi nila, may mga foreign engagement ang international star kaya’t kailangang magpaalam agad sa hit show.

Iba naman ang narinig naming dahilan sa mga taong involved mismo sa show.

Sana makausap namin si Leo, para siya ang maglinaw sa issue.

A TRIBUTE

BOY GOLDEN

CARMEN ROSALES

DANNY DOLOR

ERES TU

KING AND I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with