Hero willing pang makipagbalikan kay Sandara
Nakatsikahan din namin si Hero Angeles sa presscon at naitanong namin sa kanya kung may communications pa sila ng dating ka-love team na si Sandara Park.
Ayon kay Hero, matagal na panahon nang wala silang communication pero nabaÂbalitaan niya ang nangyayari sa dating ka-love team dahil ina-update siya ng fans nila.
Yes, may fans pa rin sila hanggang ngayon na ikinatutuwa naman niya dahil siyempre kahit matagal nang buwag ang Hero-Sandara love team ay nandiyan pa rin ang kanilang tagahanga.
“Up to now nga, umaasa pa rin sila na magbabalikan ’yung love team namin,†sabi ni Hero.
Willing naman siya if ever dahil gusto rin naman niyang mabigyan ng kasiyahan ang kanilang fans.
As we all know, very successful na ngayon si Sandara sa kanyang sariling bansa, ang South Korea kung saan ay sikat na sikat ang girl group niyang 2NE1. At say ni Hero, happy siya para sa dating kapareha.
“Oo kasi ’yun talaga ang gusto niya, singing talaga ever since. Kahit noong nandito siya, ang idol pa nga niya dati si Miss Regine Velasquez,†sabi ni Hero.
Ronnie nakagawa ng record, nalilinis ang mga pirata
Sa presscon ng The Fighting Chefs ay tuwang-tuwang ibinalita ng bida/direktor ng pelikula at kasalukuyang chairman ng Optical Media Board (OMB) na si Ronnie Ricketts na natanggal na raw sa watch list ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang nagba-violate ng Anti-Piracy at Anti-Intellectual Property Law.
Ibig lang sabihin nito ay unti-unti na ngang naliÂlinis ang piracy sa bansa at siyempre proud si Ronnie sa achievement na ito dahil ibig lang sabihin ay nagaÂgampanan niya talaga ng epektibo ang trabaho niya bilang head ng OMB.
Kaya nga raw medyo natagalan bago siya nakagaÂwa ulit ng pelikula dahil talagang for quite sometime ay ito talaga ang kinarir niya. Wala naman naging conflict nang simulan niyang gawin ang The Fighting Chefs dahil nagpaalam naman siya sa ahensiya.
“And ang araw lang na puwede kong i-shoot ay Saturdays and Sundays and nakakatuwa na talagang ’yung buong cast nakisama rin sa akin,†he said.
Actually, marami na nga siyang natanggihang offers and it so happened na talagang matagal na niyang gustong gumawa ng pelikula tungkol sa pagluluto na may kahalong action kaya nang kinausap siya ng Viva Films big boss na si Vic del Rosario na gawin nila ang movie ay okay na okay sa kanya.
Si Chef Boy Logro ang napili ni Ronnie na makasama niya bilang bida ng movie dahil noon pa ay napapanood na nila ito ng asawang si Mariz at aliw na aliw silang mag-asawa sa estilo nito at husay sa pagluluto.
“’Tapos I asked around people na mga kaibigan kong chef din, sabi nila, ‘magaling ’yan’ saka nag-a-action-action pa sa ano (pagluluto). So, sabi ko, may pangarap din yata itong maging action star,†kuwento ni Ronnie.
So, hinanap niya kung paano makokontak si Chef Boy at nang makausap naman niya ay pumayag naman agad although noong una ay hindi makapaniwalang bida ito sa movie.
Showing na sa March 6 ang The Fighting Chefs at kasama rin dito sina Arci Muñoz, Joross Gamboa, Hero Angeles, Aki Torio, Jade Lopez, Vandolph, Dinky Doo, and introducing Marella Ricketts.
- Latest