^

Pang Movies

Controversial young actor walang laman ang utak, parang bangag din nang mag-guest sa talk show

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naloka ang staff ng isang celebrity talk show nang dumating ang inimbitahan nilang controversial young actor dahil hindi man lang ito nagbihis ng maayos para sa guesting niya.

Dumating daw ang young actor na naka-T-shirt, board shorts, at tsinelas. Para lang pupunta sa beach ang hitsura kaya naaligaga ang buong staff.

Nang tanungin kung bakit ‘yun ang suot niya eh haharap siya sa kamera, ang sagot ng bagets ay wala namang nagsabi na kailangan niyang magbihis ng maayos.

“Kailangan bang sabihin pa sa kanya iyon? Eh alam naman niyang guest siya sa isang celebrity talk show, dapat naman nakabihis siya ng maayos, ‘di ba?

“Aba dumating na parang pupunta sa beach! Outing ito? Kulang na lang na dala niya ay surfboard!” talak ng source namin.

Kaya sinabihan siya na hindi muna siya isa­salang dahil kailangang magpalit siya ng damit. Sinamahan na lang siya ng isang personal assistant ng show para manghiram sila ng damit sa malapit na boutique sa studio. Mabuti na lang at may kasya na mga damit at sapatos sa kanya.

Noong i-brief naman siya ng writer ng show tungkol sa topic na pag-uusapan, mukha raw tulala ito at parang hindi nakikinig. Ilang beses pang tinanong ng writer kung gets ba niya ang mga sinasabi nito.

“Naloka ang writer namin dahil tatlong beses niyang pinaulit-ulit sa young actor ang topic. Super explain sa kanya pero hindi raw niya maintindihan masyado.

“Sayang naman ang batang ‘yan. Guwapo pa naman pero walang laman ang utak. Ang slow niya. Paano mo naman magagawang pasikatin ang ganyan? Guwapo nga pero walang binatbat pagdating sa pakikipag-usap,” dagdag pa ng source namin.

Mabuti na lang daw at taped ang show at hindi live kaya naku-cure nila ang mga palpak na reaction ng young actor. Mabuti na rin lang at may mga kasabay siyang tatlo pang young actors na okay naman sumagot. Kaya ‘di na masyadong halata na wala siyang maisagot na maayos.

Pero heto pa ang ikinabaliw nila, noong paalis na ang young actor ay hindi man lang daw hinubad ang mga pinahiram sa kanyang mga damit at sapatos. Akala niya ay bigay na sa kanya.

“Bangag yata ang batang ‘yan. Aba, dinamitan na nga namin, gusto pang iuwi ng libre? Sinabi namin na sige, sa kanya na ang mga damit pero wala na siyang talent fee dahil ‘yun na ang bayad sa mga damit.

“Ang damuho mas pinili ang talent fee. Ayun pinahubad namin ang mga damit. Pumunta na siya sa beach kung gusto niya at magbangag na lang siya dahil hindi na mauulit ang guesting niya sa amin,” asar na kuwento pa ng source namin.

vuukle comment

DAMIT

GUWAPO

KAYA

LANG

NALOKA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with