^

Pang Movies

Francine Prieto pinataob ang mga teleserye sa nararamdamang galit sa mga kapatid!: ‘Ako ang masama, ako ang demonyo, nakakasawa na’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagkabati na noon si Francine Prie­to at ang kanyang mga half-bro­ther at sister pero kahapon todo emote na naman ang aktres laban sa mga kapatid. Pinagpistahan ang mga emote ni Francine dahil walang sinabi ang mga dialogue sa mga teleserye sa mensahe niya para sa kanyang mga kapatid.

“Mga kapatid ko, hindi marunong magpasalamat sa tinutulong ko sa kanila, lalo na ‘tong isang ito. Ang kapal na sabihin na pinapangakuan ko lang daw siya ng work.

“Akala mo naghihirap at walang kinakain. Kung gusto mo talaga ng work at maging maayos ang buhay, ikaw mismo gumagawa ng paraan. Grabe kayo. Magsama-sama kayo ng kapatid ninyo. Pare-parehas lang kayo ng ugali. Nakakapagod kayo tulungan.

“Ayan, humingi kayo ng tulong sa mga kaibigan ninyo. Ayoko na. Taas na ang mga kamay ko, sobra na kayo!

“At siyempre, gaya nang dati, ako na naman ang ma­sama sa ending. Buong pamilya, ganun lagi ang ti­ngin sa akin. Pagkatapos ko kayo tulungan at ni hindi ninyo ma-appreciate, pag ako napuno sa ginagawa ninyo sa akin, ang ending ako ang kontrabida. Ako ang masama. Ako ang demonyo. Nakakasawa na.

“Ilublob mo sarili mo sa walang kakuwenta-kuwentang tao, niloko ka na nga, di mo pa kalimutan. Di dapat iniiyakan ang mga taong tarantado, sinungaling at mangloloko. Kinakalimutan ang mga ‘yan at inaalis sa puso’t-isipan. Sinabi kong kalimutan mo na past mo, nakikipag-usap ka pa rin sa mga kaibigan mo. Tinulungan ka ba nila nu’ng naghihirap ka? Ngayong pinapalayas kita, meron ba sa kanilang handang kumupkop sa iyo?

 â€œLahat ng negative na tao, tinanggal ko sa buhay ko. Ang tagal ko ring nabuhay sa impyerno. Naiahon ko na sarili ko dun, ang ayos-ayos na ng buhay ko.

 â€œKung magiging nega ka at idadamay mo ako sa kamalasan maa-absorb mo, hindi bale na lang. Umalis ka na sa poder ko. Dun ka sa sister mong ‘may care sa family’ kaya asap, gusto ko nang maging Jensen ulit, ang original last name ko, dahil buwisit na buwisit na akong maging Falcon!”

Walang nakakaalam sa ugat ng bagong dahilan ng galit ni Francine sa kanyang mga kapatid.

Mapagmahal na kapatid si Francine kaya marami ang naniniwala na mawawala rin ang galit niya at magkakasundo uli sila ng kanyang mga kapatid. Ang sabi ng friends ni Francine, bugso lang ng damdamin ang mga emote niya.

AiAi mag-isang bumiyahe sa Amerika

Hinahanap ko si AiAi Delas Alas dahil ire-remind ko sa kanya ang pangako niya sa akin.

Unreachable si AiAi dahil pagkatapos pala ng concert ni Psy noong Sabado. lumipad siya sa Amerika para dalawin ang kanyang anak na lalaki na nag-aaral doon. Hindi naman magtatagal si AiAi sa US dahil kailangan siya sa tapings ng Pilipinas Got Ta­lent.

Mag-isa na bumiyahe si AiAi. Hindi niya kasama sa US trip ang kanyang boyfriend na si Jed Salang.

vuukle comment

AMERIKA

DELAS ALAS

FRANCINE

FRANCINE PRIE

JED SALANG

KAPATID

KAYO

PILIPINAS GOT TA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with