^

Pang Movies

Programa ng sosyal na TV host, hindi pa umaarangkada!­

Pang-masa

MANILA, Philippines - Malapit nang mag-isang buwan ang gabi-gabing showbiz-oriented show na hino-host ng isang kilalang TV personality pero walang ibinibidang rating ang kanyang home network. Wala ring nababalita kung nagte-trending ito. Tahimik lang.

Hindi malaman kung nasa oras ng telecast ang problema, dahil pang-hatinggabi na ring umeere, o dahil sa wala yatang amor sa masa ang TV host na malalapit sa local A-List stars at socialites.

Magaganda naman ang mga nagdaang episode kahit limitado sa mga artista dahil karamihan ay nasa istasyon niya rin. Nakapag-guest siya nung unang linggo pa lang na umeere ang kanyang show ng isang sikat na celebrity doctor at maganda ang chit-chat nila. Komportable kasi ang bisita sa TV host. At siya pa ang nauusisa ng matsika na guest.

Sa mga sumunod na gabi ay ordinaryong stars lang ang bisita niya pero laging maganda ang takbo ng kuwentuhan. May trivia o background ng artista at hindi ’yung usapang love life o love team lang.

Kaya lang, hayun nga at parang hindi naman siya makaarangkada. Nasaan na ang tulong ng kanyang koneksiyon? Sayang ang solo show niya!

vuukle comment

A-LIST

KAYA

KOMPORTABLE

MAGAGANDA

MALAPIT

NAKAPAG

NASAAN

SAYANG

TAHIMIK

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with