^

Pang Movies

Designer na peke nagtatago sa couturier, gown na hiniram inaangkin na!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Mahirap hagilapin ang isang beking designer daw pero nanghiram lang ng magagandang gown sa isang sikat na couturier upang ipasuot sa kanyang kaibigang singer sa isang Valentine show.

Na-highblood ang nagpahiram dahil inangkin ng notorius beki na sa kanya ang gown kaya’t siya ang nabigyan ng credit sa show. Ang tunay na may-ari ng damit, hindi man lang nabanggit.

Tila hide-and-seek ang drama ng dalawang beki dahil ayaw pang isoli ang gown. Mukhang gusto pang pakinabangan sa Mayo upang ipaarkila sa mga sasagala sa Santacruzan!

TV5 bibigyan ng trabaho ang mga dating sikat na nasa Amerika na

Si Perci Intalan, creative head at vice president for TV Entertainment department ng Channel 5, ang nag-announce sa mga officer ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ng streamlining of TV production ng Kapatid Network.

In this connection, nag-appoint sila ng dalawang business unit head (sina Anthony Pastorpide at Marge Natividad) at dalawang program unit managers na sina Erlyn Tallada-Abuel at Joan Banaga.

Assigned ang apat sa kanya-kanyang direktor o creative head at may particular na genre silang concentrated.

Tulad ni Joan na ka-team na si Director Joel La­mangan. Very enthusiastic ang mag-partner sa bagong show na sisimulan, Studio 5 Presents. Gagawa sila ng mga movie for TV na tatampukan ng malalaking artista.

Sa aming PMPC get-together with TV5 exe­cutives headed by Intalan and Corporate PR Pea­chy Guio­guio, nabanggit ni Direk Joel na posibleng kumuha sila ng mga dakilang aktres na based sa USA tulad nina Lolita Rodriguez at Marlene Dauden.

Marami rin silang gagawing source ng magagandang istorya tulad ng Palanca-award winning plays and stories.

Joel Lamangan nagpaka-sidekick at nagbabad sa istambayan ng mga artista

Si Direk Joel Lamangan pala ay isang avid movie fan. Lahat ng uri ng pelikula ay pinapanood niya. Alam niya pa ang movie na ballet dancer ang role ni Marlene Dauden, ang Rosa Rossini. Ballerina kasi si Marlene bago nag-artista.

Kabisado ni Direk Joel ang mga love triangle film nila Lolita Rodriguez, Marlene Dauden, at Eddie Rodriguez mula sa Sapagkat Kami’y Tao Lamang. Type rin niya ang mga action drama kung saan naging goon, bandido, at sidelick ng kontrabida si Direk.

Madalas din siya sa Jack’s restaurant ng producer na si Jessie Ejercito dahil hang-out ito ng mga taga-pelikula at gusto ni Direk Joel na makakita ng mga paborito niyang artista.

Dapat marinig ninyo ang mga nakakaaliw na anekdota nina Lolita Rodriguez at iba pang artista na si Direk Joel mismo ang nagkukuwento.

Kuya Daniel maglalabas ng bagong album

Maglalabas ng bagong album si Kuya Daniel Razon ng UNTV this March. Ang first single from the new CD ay ang kanyang version ng Hanggang na unang pinasikat ni Wency Cornejo.

Bihira sa mga broadcaster ang tulad ni Kuya Daniel na bukod sa maganda ang speaking voice, meron pang good singing voice. Kilala bilang Mr. Public Service, abala rin siya sa mga free medical and dental clinic para sa mga nangangailangan.

ANTHONY PASTORPIDE

DIRECTOR JOEL LA

DIREK JOEL

EDDIE RODRIGUEZ

ERLYN TALLADA-ABUEL

KUYA DANIEL

LOLITA RODRIGUEZ

MARLENE DAUDEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with