^

Pang Movies

OPM tutuluyan pataubin sina Justin Bieber, One Direction at iba pa!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsama-sama ang mga OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit) icon sa launching ng bagong programa ng samahan na OPM Means Movement kahapon na pinangungunahan ng presidente nitong si Ogie Alcasid.

“I’m so happy that all of us are here together. Sabay-sabay na tayong gumagalaw ngayon and I think ’pag sabay-sabay ang galaw, talagang aandar.

“Gusto ko ring i-announce, kung napapansin ninyo ngayon, sa mga benta ng CD, ang namamayagpag, ang laging nangunguna, ay OPM. Natatalo na po ang One Direction, natatalo na po si Justin Bieber ng mga album ng Parokya ni Edgar, si Gloc 9, si Ogie Alcasid!

“Nakakatuwa, ’di ba? At kung hindi ninyo napapansin, sa concert scene, nanunumbalik na po ang sigla ng manonood sa OPM concerts. So, simula pa lang ito,” pagmamalaki ni Ogie.

Ang launching ng bagong mensahe ng OPM ay magaganap sa Feb. 22 and 23 sa okasyon ng Hot Air Balloon Festival sa Clark Freeport, Pampanga. Dalawang gabing all-OPM Music Festival ang handog ng organisasyon na dadaluhan ng OPM singers gaya nina Ryan Cayabyab, Ogie Alcasid, Joey Ayala, Dingdong Avanzado, Jessa Zaragosa, at marami pang iba.

 

vuukle comment

CLARK FREEPORT

DINGDONG AVANZADO

HOT AIR BALLOON FESTIVAL

JESSA ZARAGOSA

JOEY AYALA

JUSTIN BIEBER

MEANS MOVEMENT

MUSIC FESTIVAL

OGIE ALCASID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with