^

Pang Movies

Male host kinabubuwisitan ng mga katrabaho, umaarte ayaw magpaka-masa!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sobrang naiinis na ang staff ng isang variety show dahil sa hindi magandang ugali ng male host na matagal na nilang pinagpapasensiyahan.

Unti-unti na nilang nararamdaman ang pagiging pakialamero nito at masyadong nagmamarunong sa dapat ay trabaho na ng staff.

May mga nagsabi na sa kanila na mag-ingat sila sa male host dahil may ugali talaga itong makialam sa hindi niya dapat na nilulugaran. Matigas din ang ulo nito at kapag ayaw niyang gawin ang isang bagay ay magmamatigas ito na hindi niya gagawin kesehodang nakahanda na ang lahat.

“’Yun na ang warning sa amin kasi may hindi kagandahang ugali ang lalaki na ’yan. Mahilig daw makialam. Sana kung nakakatulong ang pakikialam niya pero palpak din naman. Mahilig mag-suggest ng gagawin pero hindi naman daw mapanindigan,” talak ng aming source.

Naimbiyerna na ang staff ng naturang variety show dahil sa ipinakitang hindi magandang ugali ng male host nang dapat ay may kukunan silang isang segment sa labas ng studio.

Para nga ito sa ni-request ng male host na magpaka-masa sila para maka-relate ang maraming tao sa show nila. Ang kaso ay umiral naman ang pagiging maarte niya nang makita ang location na pagkukunan.

Hindi niya feel ang paligid at masyado raw maraming tao sa labas. Kaya ang ginawa niya ay hindi siya lumabas ng sasak­yan at umalis na lang basta na hindi nagpasabi sa staff na nasa location na.

Tinatawagan si male host pero hindi ito sumasagot ng cell phone niya. Natural lang nga na magalit ang staff na naghanda roon dahil parang binastos sila na hindi man lang bumaba ng sasakyan niya ’tapos ay umalis pa na walang pasabi.

KAYA

MAHILIG

MATIGAS

NAIMBIYERNA

NIYA

SANA

SOBRANG

TINATAWAGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with