Remake ng Angela Markado na pagbibidahan sana ni Sam Pinto, nauwi sa wala!
Dalawang taon na ang nakaraan nang unang nabalita na gagawan ng remake ang Angela Markado na sinulat ni Carlo Caparas at ginampanan ni Hilda Koronel sa direksiyon ng yumaong National Artist for Film Lino Brocka.
Nangyari ang pahayag sa media launch ng Carlo Caparas/Viva Films merger noon pa. Si Sam Pinto ang sinabing gaganap sa title role ng bagong version.
Dalawang beses nang naging Sexiest Woman ng FHM magazine si Sam, pero hindi pa natutuloy ang kanyang Angela Markado. Hanggang ngayon wala pa rin gaanong nangyari sa career ni Sam. Wala siyang effort na matuto ng deretsong pagsasalita ng Tagalog. Inglesera siya at lalong walang ganang makilala ang mga kasamahan niya sa showbiz.
Kilala ba ninyo sina Meldy Corrales at Nori Dalisay na tinawag na forever starlet sa Sampaguita Pictures?
Partnership nina Carlo Caparas at Viva Films, wala ring nangyari
After two years, wala pa rin kahit isang project ang pinagsasanib na puwersa ng Carlo Caparas Productions at Viva Films. Bakit kaya hindi na natuloy ang kanilang malalaking balak?
Kayang-kaya naman mag-produce kahit 100 pelikula si Carlo J. patuloy naman ang tagumpay ng Viva Entertainment, kaya’t higit na dumarami ang kanilang puhunan.
Bagong pelikula ni Lim puro kadramahan, binawasan ang aksiyon
Sa halip na magdagdag ng mga maaksiyong tagpo, nagbawas pa ng mga tunay na pangyayari sa Alfredo S. Lim: The Untold Story, kahit very cinematic ang mga totoong naganap sa alkalde ng Maynila.
‘‘Nagbawas kami ng mga violent scenes upang mangibabaw ang mga eksenang madrama na maraming matutuhan at magbibigay pa ng inspirasyon sa mga manonood,’’ paliwanag ng actor/director/producer.
Ikaapat na biopic na ang Alfredo S. Lim: The Untold Story, kaya’t nag-research nang husto si Cesar Montano, upang maiba ang pelikulang ipapalabas na sa Feb. 27. Marami siyang natuklasang kabanata ng buhay ng magiting na pulis na ngayon lang inilahad sa bagong pelikula.
Bukod sa magagandang yugto sa Turning Cradle na aklat na sinulat ng yumaong National Artist for Literature na si Nick Joaquin, dinagdag pa sa script co-written by Montano and Eric Ramon, ang maraming bagay na kanilang natuklasan.
Ang finished product ay isang naiibang action-drama na tiyak na magbibigay ng bagong impresyon kay Mayor Lim, sa lahat ng makakapanood nito.
Umaasa sila Montano na mailalahok ito ng ating bansa sa mga international film festivals. Kapag dumayo na, saka pa lang gagamitin ang titulong Turning Cradle: A The Alfredo S. Lim Story.
Anak nina Boyet puwedeng maging Miss World
Nagsasanay na mabuti ang 19-year old daughter nina Sandy Andolong at Boyet De Leon, na si Mariel De Leon, upang sumali sa isang beauty pageant. Kung kanyang katawan ay kasing-hubog noon ng screen goddess na kanyang Lola Lilia Dizon, sure winner na ang dalaga.
Kahapon ang screening ng Bb. Pilipinas. Kung nakasali sa napiling official candidates si Mariel, higit na maraming-mag-aabang sa contest. Kung Miss World Philippines naman siya lalahok, baka siya ang tanghaling unang Pinay winner ng Miss World!
Kaya pati beki nakikiagaw Aktor super daks kaya hindi maiwan ng gf
Kaya naman pala kahit anong chika tungkol sa isang young actor na double-bladed, lalo siyang minamahal ng gilfriend niyang aktres. Na-sight kasi ng isang taga-showbiz ang aktor habang jumi-jingle.
Gulat na gulat sa nakita ang baklesh. Super daks ang silahista at talagang pag-aagawan ng mga chicks at beki!
- Latest