^

Pang Movies

Dahil sa opera Zsa Zsa madali nang mapagod!

Maryrose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Proud daughter si Karylle nang dumalo sa special screening ng bagong teleserye ng kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla na Juan dela Cruz na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Masaya siya dahil sa pamamagitan ng seryeng ito ay naging sobrang busy ang kanyang ina para kahit paano ay gumaan ang loob nito dahil sa pagkawala ng King of Comedy na si Dolphy noong nakaraang taon.

 â€œYes. Si Mama kasi is taping a lot. She gets tired more easily now kasi siyempre mayroon siyang surgery before. Kahit paano apektado ’yun.

“But minsan kasi ang physical pain, mas masakit pa ’yung emotional. Para maka-move on na rin talaga siya eh. Okay na rin na sa kanya na busy siya.

“She is happy, but I think more than anything, it’s because it’s such a good project.”

Samantala, naikuwento rin ni Karylle ang tungkol naman sa show niyang It’s Showtime na kasama niya sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, at Jhong Hilario. Meron na nga raw bagong love triangle roon. Ang Vice Ganda-Karylle-Jhong Hilario “love triangle” na tampulan ngayon ng tukso sa noontime show ng ABS-CBN.

Dahil dito ay may nagtatanong tuloy kung hindi raw kaya pinagseselosan ng kanyang boyfriend na si Yael Yuzon, ang vocalist ng bandang Spongecola, si Jhong?

“Jhong and Vice, love triangle kami,” pabirong kumpirma ng singer-actress. “Hindi naman siya (Yael) seloso. So, okay lang naman.”

Tungkol naman sa career ni Karylle, bukod sa daily show niyang Showtime, magiging busy year for her ang 2013 at heto nga at may bago siyang labas na single.                                     

ANG VICE GANDA-KARYLLE-JHONG HILARIO

ANNE CURTIS

BILLY CRAWFORD

COCO MARTIN

JHONG AND VICE

JHONG HILARIO

KARYLLE

KING OF COMEDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with