Mga bingi may reklamo sa Juan dela Cruz!
Hindi press release na mala-pelikula ang dating ng Juan dela Cruz dahil kitang-kita sa nagdaang isang linggo ang pruweba ng serye — parang high deÂfinition ang TV screen sa linaw. Umpisa pa lang ay napuno na ng bakbakan at bawat karakter na kinuha ay maganda talaga ang istorya at exposure.
Naging kakaiba rin ang umpisa dahil gumamit ang teleserye ng animation na komiks ang istilo. At hanggang ngayon ay may marka ng ala-komiks na kuwento dahil sa paglalagay ng “abangan†sa tuwing matatapos ang isang episode.
Komento lang ng isang may hearing disability, malulubos sana ang kaligayahan ng mga katulad niya na may kapansanan kung may nakalagay daw sa ilalim ng screen na captions sa bawat dialogue. Ginagawa naman daw ‘yun sa ibang bansa. Sana ay dito rin daw.
Kaya ba ‘yun ng mga local TV network natin? Ang mga ginagamitan lang ng sign language ay ‘yung public service show o religious program. Hindi sa drama series. Pero kung sakali ay sa reruns sila makakapaglagay ng captions o subtitles at hindi sa regular programming ng isang TV series. Pero ano’ng malay natin baka nga isang araw ay mangÂyari rin? Kapag nagkataon, maraming bingi ang makikisigaw na rin sa aksiyon at katatawanan o makikihikbi sa drama sa mapapanood nilang lokal na teleserye.
Warm bodies, puwedeng pang-Valentine
Bago pumasok ang mga Valentine movie ngayong linggo, isa na ang local film na A Moment in Time at ang bagong Nicholas Sparks movie na Safe Haven, ay nauna na ang Warm Bodies at Upside Down na parehong may kakaibang tema sa pag-ibig.
Pero kung gustong maging masaya ang date movie, kareko-rekomenda ang Warm Bodies na hango sa nobela ng bagets na si Isaac Marion. Tungkol ito sa mga zombie pero hindi ginawang nakakatakot kundi magaan at katawa-tawa.
Maaaliw din kayo sa soundtrack ng pelikula. Ginamit ng bidang si R (Nicholas Hoult) ang mga kantang Missing You ni John Waite at PaÂtience ng Guns ‘N Roses para kay Julie Grigio (Teresa Palmer) sa kanyang pasimpleng panliligaw. Swak sa Valentine mood ’di ba?
- Latest