^

Pang Movies

Presidente Noynoy at Sec. Mar nagdarasal para sa paggaling ni Mother Lily

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sina President Noynoy Aquino at DILG Secretary ang recent visitors ni Mother Lily nitong Lunes. Laking-tuwa ng Regal producer sa gesture ng dalawang top officials ng gobyerno na naglaan ng oras upang kumustahin ang kalagayan niya.

Alam ng lahat ang tulong ni Mother Lily kina P-Noy at Mar nu’ng panahong kumakampanya sila bilang pangulo at senador. Dalawa sila sa paborito ni Mother kaya naman bukas ang loob niya sa pagtulong sa dalawa.

Last Saturday, ang Regal baby niyang si Maricel Soriano naman ang bumisita kay Mother. Kasama niyang dumating ang TAPE, Inc.  bosses na sina Mr. Tony Tuviera at Malou Choa Fagar.

Kahapon kasi ang isinagawang operasyon sa lungs ni Mother. Dapat sana ay sa abroad niya bi­na­­lak magpagamot. Pero ayon na rin sa anak niyang si Meme Monteverde na dumalo ng misa last Wednesday para sa mabilis na paggaling ng ina, dinesisyunan ng pamilya nila na rito na lang sa isang private hospital ipagamot ang ina.

Nagpasalamat naman si Mother sa lahat ng dumalo sa misa through phone. Hindi nga lang siya nagtagal dahil kaila­ngan na rin niyang mamahi­nga. Ilan sa dumalo sa mass ay sina Direk Joel Lamangan, Ricky Davao, Perci Intalan, Redgie Acuna Magno, Annabelle Rama, Alfie Lorenzo, Ethel Ramos, Veanna Fores, Girlie Rodis, Ricky Lo, Taal Vice Mayor Pong Mercado, Malou Choa Fagar, Norma Japitana, Jake Tordesillas, June Torrejon, at marami pang iba.

Sa totoo lang, hindi man bukas na bukas sa publiko ang pagkakaroon ng sakit ni Mother, buhos na buhos naman sa social networking site ang pagda­rasal sa mabilis niyang paggaling, huh!

Mula rito sa PM, ang aming dasal upang gumaling agad si Mother Lily!

Jennylyn wala pa sa planong pakasal kay Luis

Wala pa sa plano ni Jennylyn Mercado na magpakasal kay Luis Manzano. Gusto pa raw niyang i-enjoy ang kabataan ng anak niyang si Jaz kaya naman hindi pa pumapasok sa utak niya ang lumagay sa tahimik.

Sa totoo lang, enjoying the best of both worlds si Jen dahil maganda na ang takbo ng career, maganda rin ang relasyon nila ni Luis.

“Hindi naman po. Kasi naman ang love life, nandiyan lang ‘yan. Pero ang career. Dapat napagtutuunan ng pansin,” rason ni Jen sa huli naming pag-uusap.

Ayon pa sa leading lady ni Senator Bong Revilla, Jr. sa Indio, hindi lang naman daw siya ang artistang napagsasabay ang career at love life, huh!

Malaking tulong sa relasyon nila ni Luis ang hindi masyadong exposed sa publiko. Nakatulong din ang mga nakaraan niyang relasyon upang matuto sa sa panibagong pag-ibig.

“Kaya nang dumating sa buhay ko si Luis, right place and right time talaga!” rason ni Jen.

 

 

ALFIE LORENZO

ANNABELLE RAMA

DAPAT

LUIS

MALOU CHOA FAGAR

MOTHER

MOTHER LILY

NAMAN

NIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with