^

Pang Movies

Bagong programa ni Sharon nire-request na gawing musical

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

“Kailan kaya po magkakaroon ulit ng isang musical show si Sharon (Cuneta) sa TV, kagaya noong The Sharon Cuneta Show?” padalang mensahe sa amin ng isang fan sa Facebook.

Marami na nga ang naghihintay ng ganyang show ng Megastar. Kung natatandaan ninyo, nagsimula ang The Sharon Cuneta Show sa IBC 13 noon na ang rating ay 62%. Nang lumipat siya sa ABS-CBN ganoon din ang ratings, kahit na sinabayan pa ng IBC ng mga palabas na pelikula nina Sharon at Gabby Concepcion.

Malakas naman ang kanyang show, ang problema nga lang, nag-aral si Sen. Kiko Pangilinan noon sa US at ang nangyari, kailangang sumama ang buo nilang pamilya, pati na rin si Sharon kaya natigil ang kanyang TV show nang mahigit na isang taon. Nang magbalik siya, ayaw na ng network ng isang TV show na napakalaki ng puhunan, pinagawa siya ng talk show. Doon naman nagsimulang bumaba ang popularidad ng TV show ni Sharon.

Tapos lumipat siya sa TV5, na hindi naman maikakailang mahina ang signal. Doon na medyo tumagilid talaga ang Megastar sa TV.

Gusto talaga ng mga tagahanga ang isang musical show ni Sharon at ang paniwala namin, kung iyan ay paghahandaan talaga, puwede naman. Pero kailangang matindi ang preparas­yon at siguro mag-isip din naman siya kung saang istasyon niya gagawin.

Tina Paner nagkaroon ng katahimikan ang buhay sa ‘Pinas

“Mas tahimik ang buhay dito,” iyon lang ang nasabi ni Kristina Paner nang makita namin kamakailan sa Walang Tulugan with Master Showman.

Dito nga naman at least iba ang respeto sa kanya dahil artista siya. At saka sa Pilipinas, naririto ang lahat ng mga kamag-anak niya. Eh doon sa Barcelona, Spain kung saan siya nanirahan ng matagal na pa­na­hon, kahit na sabihing taga-roon ang asawa niya, dayuhan pa rin siya.

Nagkaroon pa nga siya ng problema nang maloko rin siya ng isang tra­vel agent. Siya pa ang nagbayad sa lahat at hindi na rin nagpakita sa kanya ang gumawa ng kalokohan.

Bold actress na nangaliwa, sinisiraan pa ang nilokong asawa

Hanggang ngayon pala, bina-bad mouth pa ng isang dating sikat na bold actress ang kanyang naging asawang sumalo sa kanya noon mula sa lusak.

Ginawa na ng kanyang asawa ang lahat para sa kanya, kinaliwa pa niya. Hindi nga ba siya lalayasan?

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

ISANG

KIKO PANGILINAN

KRISTINA PANER

MASTER SHOWMAN

MEGASTAR

SHARON CUNETA SHOW

SHOW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with