^

Pang Movies

Alessandra pitong taon nang loveless

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Hindi natutuwa si Alessandra de Rossi sa karakter na ginagampanan sa Pahiram ng Sandali dahil siya ang other woman sa buhay ni Christopher “Boyet” de Leon na asawa ni Lorna Tolentino sa Kapuso serye.

Wala naman siyang magawa dahil ito ang naibigay na role sa kanya.

Kumusta naman ang kanyang love life?

‘‘Seven years na akong walang boyfriend. Ang drama ko lang sa buhay ay bahay at taping lang. Hindi naman ako mahilig makipagsos­yalan sa gabi. Hanggang pa-crush-crush lang ako,’’ saad ng aktres.

Ayaw pa rin niyang makipaghalikan sa kapareha sa mga daring scene. ’Yung halikan nila ni Boyet ay smack lang at ang romantic scenes nila ay kinunan ng silhouette.

Juan dela Cruz screening dinagsa

‘‘Super ganda,’’ ang komento ng entertainment press na dumalo sa advanced screening ng Juan dela Cruz noong Sabado. Bukod sa kumpleto ang cast sa pangunguna ni Coco Martin ay naroon din sina Susan Roces, Helen Gamboa, Charlene Gonzales, Arlene Muhlach, Congressman Sonny Angara na sumuporta sa bidang aktor.

Dumalo rin ang mga executive ng ABS-CBN na sina Charo Santos-Concio, Malou Santos, at Cory Vidanes with Deo Endrinal, ang creative team, at mga director ng Juan dela Cruz.

Nagsimula na noong Lunes ang Juan dela Cruz at eere gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol.

ARLENE MUHLACH

BOYET

CHARLENE GONZALES

CHARO SANTOS-CONCIO

COCO MARTIN

CONGRESSMAN SONNY ANGARA

CORY VIDANES

CRUZ

DEO ENDRINAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with