^

Pang Movies

Pusong Bato papalit na sa Oppa Gangnam?

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Guest namin kahapon sa Startalk si Aimee Torres, ang original singer ng hit song na Pusong Bato.

Marami ang nag-wonder dahil mahaba ang interbyu namin ni Papa Joey de Leon kay Aimee. Kasi naman, ang taas ng rating ng kanyang live gues­ting ’no?! Ganyan kasikat ang kanta na pinag-aawayan nila ni Renee “Alon” dela Rosa.

In fairness sa lady singer, si Aimee ang original singer at ebidensiya ang video ng promo guesting  niya para sa Pusong Bato noong 2003 na mapapanood sa YouTube. Si Renee ang composer at si Aimee ang singer ng hit song na pumalit sa popula­rity ng Oppa Gangnam Style, ayon kay Papa Joey.

Masalimuot pala ang buhay ni Aimee. Nabi­yuda agad siya pero hindi sila nagkaroon ng anak ng kanyang asawa.

Namatay ang mister ni Aimee noong 2007 at hanggang ngayon may problema sila ng apat na anak ng kanyang asawa.

Tungkol sa mga ari-arian na naiwan ng kanyang asawa ang ugat ng alitan ni Aimee at ng kanyang stepchildren. Hoping si Aimee na malulutas ang kanilang problema at magkakasundo sila ng mga anak ng mister niya.

Dennis Padilla nag-good luck sa bagong karelasyon ng ex-wife na si Marjorie

“Good luck na lang” ang message ni Dennis Padilla sa kanyang ex-wife na si Marjorie Barretto at sa mhin na nali-link sa aktres.

Annulled na ang kasal nina Dennis at Marjorie noong 2008 at may kanya-kanya na silang buhay. Vocal si Dennis sa pagkukuwento tungkol sa bagong karelasyon niya at sa kanilang baby boy na guwapung-guwapo.

Itinanggi ni Marjorie na may pinagdaraanan ang pagsasama ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Okay na okay ang relasyon ng kanyang kapatid at bayaw, taliwas sa mga tsismis na may problema sina Claudine at Raymart.

Marian bawal nang mapuyat

Bawal nang magpuyat si Marian Rivera dahil sa kanyang karamdaman. Hindi pa puwedeng magpahinga o magbakasyon nang matagal si Marian dahil ongoing pa ang Temptation of Wife at tinatapos pa nila ni Richard Gutierrez ang shooting ng kanilang pelikula, ang My Lady Boss.

Hindi sanay si Marian na walang ginagawa kaya nakaalalay sa kanya ang doktor niya. Nangako si Marian na magbabakasyon siya kapag lumuwag ang kanyang so busy schedule.

Ynez Veneracion kakaba-kaba sa resulta ng biopsy

Hindi pa lumalabas ang resulta ng biopsy test sa mga bukol na inalis sa balakang ni Ynez Veneracion.

Ipinagdarasal ni Ynez na benign ang mga bukol dahil hindi pa siya ready na mag-goodbye sa mundo. Napakabata pa raw ng kanyang anak na babae na bunga ng pagmamahalan nila ng isang pulitiko mula sa Mindanao.

 

vuukle comment

AIMEE

AIMEE TORRES

CLAUDINE BARRETTO

DENNIS PADILLA

KANYANG

MARIAN RIVERA

PAPA JOEY

PUSONG BATO

YNEZ VENERACION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with