Jennylyn todo tangging itinatago ang anak kay Patrick!
Last Wednesday ay pumirma ng panibagong exclusive network contract si Jennylyn Mercado sa GMA 7. Ginanap ang contract-signing sa 16th Flr. Boardroom ng GMA building na dinaluhan ng mga executive ng network na sina Lilybeth G. Rasonable, GMA Entertainment TV’s officer-in-charge; Gilberto R. Duavit, Jr., GMA president and chief operating officer; Atty. Felipe L. Gozon, GMA chairman and chief executive officer. Naroroon din si Katrina Aguila ang representative ni Becky Aguila na siyang manager ng actress/singer.
Jen has been with GMA 7 for the past nine years at sabi nga ni Mr. Duavit, ang aktres daw ang ehemplo ng tunay na Kapuso.
Kaya naman nang makatsikahan namin ang aktres ay natanong sa kanya ang reaksiyon niya na pinapurihan ng network ang kanyang pagiging loyal.
“Siyempre masaya rin na na-appreciate nila ’yung loyalty mo. Nakakatuwa na ’yung tingin nila sa ’yo ay sobrang loyal, mapagmahal, kasi parang family ko na rin sila,†sabi ni Jen.
Hindi ba niya na-entertain ang thought kahit minsan na lumipat siya ng network?
“Kasi ang inisip namin, parang ‘bakit’ eh naaalagaan naman kami dito? Magaganda naman ’yung projects na nakukuha ko and na-appreciate naman nila ’yung work na ibinibigay ko sa kanila, so, bakit pa (lilipat)? Ganun ang way of thinking namin,†pahayag ng aktres.
Naitanong kay Jen ang sinabi ni Patrick na ayaw niyang ipakita ang bata sa kanya at itinanggi naman ito ng aktres.
“Hindi. Walang ganun, not true. Hindi totoo. Walang katotohanan ’yun,†sunud-sunod na tanggi niya.
- Latest