Julie Anne hindi nanghinayang sa Miss Saigon

Medyo masama na ang pakiramdam ni Julie Anne San Jose nang i-launch siya as the new celebrity endorser ng Black Beauty products (shampoo, conditioner, hot oil, cuticle coat protect) ng Man Yip Corporation. Sa launch, na-meet namin ang 22-year-old marketing manager na si Daryl Miko Chan na biniro ng entertainment press kung graduate na ba siya talaga ng college. Oo raw naman pero ang nagma-manage pa rin ng kanilang business ay ang kanyang father. 

Kahit seven years na sa market ang Black Beauty, tamang-tama raw endorser nila si Julie Anne who is young and fresh, a rising star, tulad din ng kanilang mga produkto na like a rising star in hair care. Tamang-tama raw ang Kapuso singer-actress dahil sa long black hair nito. After the contract-signing event, nagparinig ng song niyang I’ll Be There si Julie Anne. Wala pang TV commercial ang Black Beauty pero makikita si Julie Anne sa mga billboard sa mga kilalang street sa Metro Manila at sa mga bus at social media dahil isa raw sa mga nakatulong sa kanila para kunin ang young star at recording artist ay ang Facebook at Twitter ng mga fan nito.

Kahapon, hindi napanood si Julie Anne sa Party Pilipinas dahil hindi na niya nakaya kahit mag-rehearse man lamang. A GMA Artist Cen­ter talent, hindi naman nanghinayang si Julie Anne na hindi siya nakapag-audition sa Miss Saigon. Siguro raw hindi talaga iyon para sa kanya. Dahil kung kailan iyong schedule niya ng audition saka naman siya nagkasakit. So, naka-focus siya ngayon sa kanyang studies (third year college na siya sa Angelicum University) at sa paghahanda sa co­ming concert niya sa Music Museum by April at sa Los Angeles, California, USA by May.

Mga writer nag-uusap kaya mga eksena magkakamukha na

Nag-uusap nga ba ang mga writer ng mga drama series kaya kung minsan nagkakasabay ang airing ng mga eksena na halos magkakamukha? Last Friday, napansin agad ng mga sumusubaybay sa magkasunod na drama serye na Pahiram ng Sandali ni Dingdong Dantes at Temptation of Wife ni Marian Rivera na parehong may SPG classification na parehong may matitinding kissing scenes si Alex (Dingdong) sa girlfriend niyang si Cindy (Max Collins) at si Chantal (Marian) sa husband niyang si Marcel (Dennis Trillo). Tuloy kahit ang fans nila ay nagtatanong kung wala bang selosang nagaganap sa real sweethearts?

As per Dingdong nang tanungin namin kung nagseselos ba siya kay Dennis, sagot niya ay wala raw gano’n. In fact, pinapanood pa niya ang soap ng girlfriend basta rin lamang libre siya. Si Marian, may mga tagahanga niya na nagri-react na sana ay i-limit niya ang kissing scenes with Dennis pero work daw lamang iyon at sinusunod niya kung ano ang hinihingi ng script. Sa mga eksena mamaya lalong mahihibang si Marcel sa pag-aakalang nakuha na niya talaga si Chantal, sasayawan pa niya ito ng chacha to tempt her.

Nagalit kasi siya kay Heidi (Glaiza de Castro) na nalaman niyang nagkukunwari lamang buntis at hindi naman pala sila talaga magkakaroon ng anak?

 

Show comments