^

Pang Movies

Madir ni BB nahihirapang sikmurain ang pakikipaglaplapan ng anak sa stage

- Vinia Vivar -

May naging pahayag si Mommy Eva Cariño kamakailan na hindi niya kayang panoorin ang anak na si BB Gandanghari na nakikipag-kissing scene sa lalaki sa bago nitong play na Halik ng Tarantula. 

Kaya naman nang makatsikahan namin si BB ay hiningi namin ang kanyang reaksiyon.

“Well, nasabi na nga niya sa akin ’yan. Totoo ’yun. Sabi niya, ‘Anak, hindi na ako manonood niyan ha?’ Ako naman, okay lang, kasi naiintindihan ko naman.

“Because this is not really an easy watch. Itong Halik ng Tarantula. But it can be very good. Pero siya, bilang nanay ko, naiintindihan ko ’yun.

“Pero sabi ko rin naman sa kanya, ‘Pero Ma, legit theater ’to, ganyan-ganyan. Eh noong bata ako nanood siya ng mga play ko eh. Naiintindihan niya ’yung legit play, ’yung theater. Eh artista rin dati siya eh.

“So, kuwento lang ako nang kuwento. Aba, pagkatapos kong magkuwento, eto na, tanong niya, ‘Kelan ba ’yan?’” pahayag ni BB.

Kaya naman natuwa siya na, at least, interesado naman ang nanay niya.

“Kasi ano talaga, eh, in the end, it’s really the challenge of BB doing Molina (karakter niya sa Halik ng Tarantula). Hindi naman si BB ’yun. Kaya ako excited sa project na ito. Dahil finally, eto na ’yung start na mabibigyan ng pagkakataon si BB to work at makilala bilang artista, bilang aktor. Na walang kinalaman ’yan sa pagiging anak ko, pagiging kapatid ko. It’s just a role. At napakaganda ng role for me to pass it up,” say pa ni BB.

Samantala, natanong din ang gay actor tungkol sa kanyang love life at aminado naman siya na may special someone na nagpapasaya sa kanya pero long-distance love affair daw ito dahil nasa US ang guy at nagkikita lang sila sa tuwing nagpupunta siya roon.

When asked kung wala ba siyang balak isama ang boyfriend niya sa ’Pinas, hindi siya agad nakasagot kaya tanong ng isang kasamahan, paano kung dyom­bagin ni Robin (Padilla, his brother)?

Sagot ni BB na natatawa, “’Yun na nga, ’di ba? Exactly! Kaya ilayo na muna natin.”

’Yun na!

Anyway, ang Halik ng Tarantula ay mapapanood sa Teatrino Promenade Greenhills on March 7, 8, and 9 mula sa direksiyon ni Soxy Topacio.

Valerie nawalan ng gana sa mga lalaki

Medyo matagal na napahinga si Valerie Concepcion sa teleserye. E-boy pa ang last project niya sa ABS-CBN last year kaya naman excited siya na sa pagsisimula ng 2013 ay may bago ulit siyang serye, ang May Isang Pangarap na nagsimula nang umere last Jan. 21 sa afternoon slot ng ABS-CBN at pinagbibidahan ng dalawang promising child stars na sina Larah Claire Sabroso at Julia Klarisse Basey.

“Masaya ako na nabigyan na naman ako ng chance ng management and in fairness naman sa ABS-CBN, hindi naman nila ako napapabayaan. Nung wala akong soap, binibigyan naman nila ako ng mga guesting like two months ako sa Toda Max, tapos three weeks ako sa Angelito, Ikalawang Yugto, sa Umagang Kay Ganda nag-one month din ako.

“So, thankful naman ako sa ABS-CBN dahil hindi naman nila ako nakakalimutan,” sabi ni Valerie.

Sa week three pa papasok ang kanyang karakter bilang Larraine na asawa ni Ron Morales at siyang magpapasikat kay Larah.

When asked about her love life, aniya ay wala raw at wala rin daw siyang ine-entertain na suitors.

“I’m not dating right now kasi mahirap din eh. Lumalabas ako with a group and ayoko muna ’yung mga solo dates talaga kasi parang feeling ko, hindi pa ulit ako handa (na magmahal muli),” sabi ng seksing aktres.

Matatandaang nag-split na si Val at ang kanyang long-time boyfriend na si Dondon Hontiveros last year at sa ngayon ay ayaw muna niyang pumasok ulit sa panibagong relasyon.

vuukle comment

AKO

DONDON HONTIVEROS

HALIK

IKALAWANG YUGTO

KAYA

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with