Produ ng indie film walang magawa Dingdong at Coco sinagot ang operasyon ni Julio sa nabaling balakang
Naaksidente si Julio Diaz habang gumagawa ng isang indie film. Masama ang naging bagsak niya at nagkaroon ng fracture ang kanyang hip bone, ang buto sa balakang. Dinala siya sa National Orthopedic Hospital kung saan sinabi na kailangan siyang operahan pero ang kabuuang gastos ay P80,000. Wala siyang ganun karaming pera kaya mabuti raw at tinulungan naman siya nina Dingdong Dantes at Coco Martin.
Parang nakakalungkot ang ganyang sitÂwasÂyon. May isang artistang maaksidente sa oras mismo ng kanilang trabaho pero anuman ang mangyari sa kanya ay walang mananagot. Wala kasi sa budget ng isang pelikula o TV show ang pagpapagamot kung may maaksidente man.
Noong presidente siya ng Katipunan ng mga ArÂtisÂtang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT), nagbalak na si German Moreno na maglaan ng ponÂdo para sa mga ganyang sitwasyon pero hindi rin nga nangyari. Kung iisipin, kawawa ang mga artista, lalo na nga ang gumagawa ng mga pelikulang independent. Mababa na nga ang bayad sa kanila, kung magkakaroon pa ng problemang ganyan ay walang puwedeng managot.
Pepe Pimentel ’di malimutan ng mga taga-QC
Unti-unti na yatang nauubos ang mga beteranong artista. Wala na si Pepe Pimentel. Kung sabaÂgay, matagal na rin naman siyang hindi aktibo sa showbusiness. Parang ang huli nga yata niyang activity ay iyong kanyang programang Kwarta o Kahon na siya na mismo ang producer at sponsor naman niya ang isang kumpanya ng alcohol.
Noong retired na siya sa showbusiness, madalas naming makita si Mang Pepe sa may Timog sa Quezon City. Noong una nga ay nagtataka kami kung bakit nag-iikot siya roon, sinisita niya ang illegal parking at natandaan namin isang gabi na kumakain kami sa isang tambayan namin doon ay nagkaroon ng gulo sa isang bar. Dumating doon si Mang Pepe. Noon lang namin nalaman na siya pala ang chairman ng barangay sa nasabing lugar.
Isang hapon naman, nakita namin si Mang Pepe na nag-iisang naglilinis ng rotonda sa may Timog. Naglilinis siya sa paligid ng monumento ng Boy Scouts, siya mismo ang nagwawalis.
Si Mang Pepe, mula sa pagiging isang singer, comedian, at TV host ay nakilala rin dahil sa kanyang paglilingkod sa bayan kahit na sabihin nga nating ginawa niya iyon sa kanyang barangay lamang.
Noong isang araw habang nakikinig kami sa radio ay pinag-uusapan din siya. Marami pa palang ibang tulong na ginagawa niya sa mga tao nang hinÂdi na natin nalalaman. Mayroon pa ngang isang pagkakataon na may isang taong kailangang isugod sa ospital pero walang makuhang ambulansiya. Ginamit nila ang sasakyan ni Mang Pepe. Pagdating sa ospital, si Mang Pepe pa ang nagbayad ng downpayment para tanggapin ang pasyenteng dinala nila. Ang ending, siya na ang nagbayad ng lahat ng gastos ng pasyente dahil hindi naman makakalabas iyon ng walang pambayad.
Nagbiro na lang daw pagkatapos si Mang Pepe,
“Kung biyenan ko lang ’yan iniwan ko na sa ospital.â€
“Ibang klase si Pepe. Actually, siya lang ang comedian na nakakapagpatawa sa akin talaga,†sabi ng matagal niyang kasama sa show na si Eddie Ilarde.
- Latest