^

Pang Movies

Coco maraming gustong ikampanya!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa solo presscon ni Coco Martin para sa bago niyang primetime series sa ABS-CBN na Juan dela Cruz, natanong ang aktor sa mga susuportahan niyang kandidato ngayong 2013 elections at naging open naman siya na sabihin ito sa madla.

Coco mentioned several names. Sila ay sina Aga Muhlach, Richard Gomez, ang asawa ni Dawn Zulueta na si Anton Lagdameo, Sonny Angara, at Grace Poe-Llamanzares.

Ayon kay Coco, bata pa lang daw siya ay napapanood na niya at nasusubaybayan si Aga.

“Sa totoo lang sikat siya at tumutulong siya sa tao hindi niya kailangang i-announce. Tumutulong siya kasi gusto niya lang maka­tulong,” say ni Coco.

“Ako, ganoon din ang pananaw ko sa buhay. Hindi ko kailangang ipangalandakan na tumutulong ako sa kapwa ko, tumulong ako dahil gusto ko. At ‘yun ang nakita ko sa kanya, isa sa katangian niya,” dagdag pa ng aktor.

As we all know, Aga is running for Congressman at the fourth District of Camarines Sur at ayon kay Coco, last year daw ay nagpunta siya sa CamSur at hindi pa nga raw niya kilala or nami-meet si Aga nu’n although ang kapatid nitong si Arlene Muhlach ay nakasama niya sa seryeng Walang Hanggan.

Si Arlene raw ang nagsabi kay Aga na gusto siyang tulungan ni Coco sa kampanya na ikinagulat nga raw ng aktor.

Sambit nga raw ni Aga, “ano ang mayroon ako at biglang nagpasabi si Coco na gusto niyang pumunta at sumuporta?”

Well, ngayon, nasagot na ang katanungan ni Aga kung bakit siya gustong suportahan ni Coco.

Dagdag pa ng aktor,  “Nga­yon pupunta ako ng Ormoc dahil gusto kong tulungan si Kuya Goma. Pupunta akong Davao dahil gusto kong tulungan si Kuya Anton Lagdameo at gusto kong tulungan si Tita Susan (Roces) gusto kong tulungan si Ate Grace. Kasi ‘yun ‘yung mga taong nakikita ko na parang alam ko ‘yun ‘yung tama.”

Ang nagustuhan naman daw niya sa Senatorial candidate na si Sonny Angara ay ang pagiging concerned nito sa matatanda. As we all know, laking-lola si Coco kaya naman hindi kataka-takang malapit sa puso niya ang mga lolo at lola.

“May mga taong tumutulong sa akin, kapag nagcha-charity ako eh may mga taong tumulong sa akin at naniniwala, bukod sa mga ini-endorse ko na product.

 â€œKung ako ang tatanungin n’yo ngayon, isa lang po ang napupusuan ko na pakiramdam ko ay pareho kaming pananaw sa buhay -- si Kuya Sonny Angara po kasi unang una concerned siya sa mga matatanda.

“Laki po ako sa Lola. Saludo ako sa kanya at napagtutuunan niya ‘yon ng atensiyon at panahon.

“Pangalawa ‘yung pag-aaral. Sa bawat Filipino, importante na mayroon kang panimula. Siyempre ‘yung edukasyon ang puhunan natin kahit anong pagsubok ang dumating. Kumbaga ‘yung alituntu­nin niya sa buhay pareho kami ng pananaw,” pahayag pa ni Coco.

Yesterday’s Bride pinataob ng May Isang Pangarap

Naungusan ng pilot episode ng May Isang Pa­ngarap na bagong family drama series ng ABS-CBN ang katapat nitong serye sa GMA 7 na Yesterday’s Bride base sa datos ng Kantar Media.

Nagkamit ng 13.7% national TV ratings ang first episode ng seryeng pinagbibidahan nina Carmina Villaroel, Vina Morales, at ng dalawang bagong Kapamilya child wonder na sina Larah Claire Sabroso at Julia Klarisse Base noong Lunes, Jan 21 , samantalang 12.1% lamang ang nakuha ng  Yesterday’s Bride.

Napapanood ang May Isang Pangarap tuwing hapon, 2:45pm, pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

AGA

AGA MUHLACH

AKO

COCO

GUSTO

MAY ISANG PANGARAP

NIYA

SIYA

SONNY ANGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with