Atty. Persida, nakatali sa TV5 kahit walang kontrata!
MANILA, Philippines - Sagabal pa sa paglipat sa ibang network ang pagri-replay ng show ni Attorney Persida Rueda Acosta na Public Atorni sa Aksyon TV ng Kapatid Network. Although walang kontrata sa ibang network, merong kumausap sa kanya last December na mula sa GMA News TV tungkol sa bagong show. Pero naging hadlang ang patuloy na pagpapalabas ng nagawang shows sa TV5 kaya alanganin pa ang pagpunta niya sa ibang network.
“May mga commercial pa naman kasing pumapasok kaya naman naiintindihan ko sila. Pero siyempre, gusto kong ipagpatuloy ang nasimulan kong serbisyong publiko kaya nanghihinayang din ako,†paliwanag ng chief ng Public Attorney’s Office sa lunch sa press.
Two years ding tumakbo ang programa ng lawyer sa TV5. Sabado’t Linggo naman ang tapings ng mga episode kaya hindi ito nakakaabala sa kanyang propesyon.
“Malaking tulong din siyempre ’yung napunta ako sa TV. Madaming nakakilala sa akin. Nagugulat na lang ako minsan kapag may nagpapapirma sa akin at nagpapa-picture. Kaya naman nagustuhan ko rin ang showbiz. Sa showbiz kasi sila ang nagsasabi sa ’yo ng totoo. Sila rin ang nakakatulong sa akin upang mapalaganap ang advocacy ko,†pahayag ni Atty. Persida.
Kaya naman kung sakaling matuloy ang pagsasapelikula ng kanyang buhay, gusto niyang si Dawn Zulueta ang lumabas na siya.
“Siyempre si Richard Gomez ang gusto kong leading man ni Dawn. Hahaha! ’Yung batang ako, si Kristine Hermosa naman ang type ko,†diretsong sabi ng matapang na PAO chief.
Wala namang major announcement si Atty. Acosta sa lunch niya with press. Although maraming kumukumbinsi sa kanyang pasukin ang pulitika, pinag-iisipan niya itong mabuti lalo na’t ang asawa niya ay sampung taon ding nanatili sa COMELEC.
“Pero kung sinasabi niya dati na aawayin niya ako kung papasukin ko ang pulitika, aba, ngayon, nagbago na ang ihip ng hangin. Bahala na raw akong magdesisyon,†tsika pa ng abogada.
Habang wala pang bagong TV show, patuloy pa rin sa pagtulong sa mga biktima ng injustice si Atty. Persida lalo na’t ang top priority pa rin niya ngayon ay ang pagsilbihan ang publiko, huh!
- Latest