^

Pang Movies

Ricky Lo biktima, Anne matagal nang maldita at bastos sa mga interview

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Noon ko pa isinulat dito sa PM at pati sa Pilipino Star Ngayon ang pagmamaldita ni Anne Hathaway sa press junket ng Les Miserables sa Tokyo, Japan kaya nakapagtataka na ginawang big deal ang interbyu sa kanya ni Papa Ricky Lo.

Si Papa Ricky ang pinalabas na hindi marunong mag-interbyu, hitsurang si Anne ang nagpakita ng kagaspangan ng ugali. Dyuskoday, hindi pa ipinapanganak si Anne, entertainment journalist na si Papa Ricky ’no?!

Hindi lamang si Papa Ricky ang binastos ni Anne dahil inokray-okray din ng Hollywood actress ang ibang journalists na nakaharap niya sa presscon ng Les Miserables sa Japan. Eh overacting ang mga Pinoy dahil si Papa Ricky ang sinisisi nila, hindi ang bratty na Hollywood actress na pa­ngit ang ugali. At least, isang international star ang involved sa isyu ni Papa Ricky, hindi mga lesser star o starlet.

Sarah hindi naramdamang wala sa promo ng pelikula

   Kausap ko uli si Mother Lily Monteverde sa cell phone noong Sa­bado at marami kaming napag-usapan.

Busy si Mother Lily sa promo ng Seduction. Bakas sa boses niya ang excitement dahil maganda ang kabuuan ng pelikula na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez, Solenn Heussaff, at Sarah Lahbati.

Hindi naman naramdaman ang absence ni Sarah sa presscon ng Seduction dahil alam ng lahat na bumalik na siya sa Switzerland.

Matutuwa si Sarah kapag nalaman nito na puring-puri ni Solenn ang acting niya sa pelikula. Nanghihinayang din si Solenn dahil wala si Sarah sa promo at showing ng Seduction.

Richard tatawagan na lang ng GF sa birthday

Ngayon ang birthday nina Richard at Raymond Gutierrez. Natawa ako sa isang fan na nagtanong kung ka-birthday ba raw ni Richard si Raymond. Obvious ba eh kambal sila?
    I’m sure tatawag si Sarah kay Richard para i-greet ng happy birthday ang kanyang boyfriend na miss na miss na siya.

Hindi na nahintay ng young actress ang birthday ni Richard dahil nag-fly siya agad sa Switzerland. Nag-alala raw si Sarah na baka hindi siya makalabas ng bansa dahil sa mga kaso na isinampa laban sa kanya ng GMA Network, Inc. at ni Atty. Annette Abrogar.

Cesar hindi pa lumalayas sa bahay nila ni Sunshine

Mali ang balita na umalis sa kanilang bahay si Cesar Montano. Hindi totoo ang mga tsismis na kumalat. Totoong iniwan ni Cesar ang bahay nila ni Sunshine Cruz dahil nagpunta siya sa shooting ng The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim.

Sa mga hindi naniniwala sa kuwento ko, pupusta ako ng datung na nasa bahay nila si Cesar. Hindi totoo na naka-check in siya sa isang hotel dahil sa problema nila ng kanyang misis. Ang alam ko, naka-check in talaga sa hotel ang cast ng The Turning Cradle para malapit sila sa shooting location sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan.

 

vuukle comment

ANNE HATHAWAY

ANNETTE ABROGAR

CESAR MONTANO

DAHIL

LES MISERABLES

PAPA RICKY

TURNING CRADLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with