Mga senatorial candidates, kikilatisin ni Mike Enriquez
MANILA, Philippines - Isa-isang kikilalanin ng batikang broadcast journalist na si Mike Enriquez ang 33 senatorial candidates sa pamamagitan ng election forum na pinamagatang Ikaw Na Ba?... The Senatorial Interviews na magsisimula ngayong Lunes, January 14 sa DZBB. Mapapakinggan ito sa flagship AM radio station ng GMA Network mula Lunes hanggang Biyernes mula ika-9:00 hanggang ika-10:00 ng umaga.
Ang espesyal na radio program na ito ay magsiÂsilbing tulay upang mas makilala ng mga tagapakinig ng radyo ang mga kumakandidato bilang senador ng Republika ng Pilipinas. Ito ay bahagi ng komprehensibo at malawakang election coverage ng GMA na tinaguriang Eleksiyon 2013.
Sa bawat episode, kakapanayamin ng multi-awarded TV at radio news anchor ang dalawang senatorial candidates upang mas malaman kung sila ba ay karapat-dapat iboto sa darating na eleksiyon.
“Tulad noong Eleksiyon 2013, ang DZBB kasama ang ibang GMA platforms ay nakatutok sa campaign at election period upang masiguro na ang bawat boto ay mapupunta sa mga karapat-dapat na kandidato,†pahayag ni Enriquez. “Misyon namin na gabayan ang publiko sa kanilang gagawing pagboto.â€
Ni-launch din ng DZBB ang kanilang bagong tagline na Himpilan ng Katotohanan bilang preparasyon sa nasabing radio forum. “Ito mismo ang gagampanang bahagi ng DZBB sa nalalapit na eleksiyon,†ani Enriquez.
Mapapakinggan ang Ikaw Na Ba?... The Senatorial Interviews sa DZBB 594 KHZ.
Sasahimpapawid din ito sa Cebu, Iloilo, Bacolod, Davao, Zamboanga, Iligan, at Dagupan.
Noong 2010, Isinihimpapawid ng DZBB at ng RGMA ang Ikaw Na Ba - The Presidential Interviews para sa halalang pang-panguluhan. Ginawaran iyon ng Catholic Mass Media Award (CMMA) bilang Best Educational Program.
- Latest