^

Pang Movies

Pangarap ni Kitchie Nadal natupad sa CineFilipino

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Sobrang payat ni Kitchie Nadal nang dumating sa presscon ng CineFilipino Film Festival noong Huwebes sa Passion Restaurant sa Resorts World. Akala mo tuloy ay may sakit siya dahil sa himpis ang kanyang mga pisngi at ang lalim ng mga mata na nangingitim pa ang eyebags. ’Yun pala ay meron silang five-day fasting sa kinabibilangan niyang simbahan na Victory Church.

Kaya habang ang lahat ay sarap na sarap sa paglantak sa mga pagkaing inihanda sa launching ng CineFilipino Filmfest ng TV5, siya naman ay panay lang ang tingin at lunok. Ni hindi siya tumikim sa mga ibinigay sa kanyang food kahit daw inggit na inggit siya dahil masasarap naman talaga.

Katuwiran din ng female vocalist ay namana rin niya ang kapayatan sa mommy niya na habang nagkakaedad ay saka lalong pumapayat at hindi raw sila lahing tabain.

Dumating siya sa launching ng CineFilipino para suportahan ang kanyang kaibigang scriptwriter at director na si Janice Perez sa pelikula nitong The Muses, isa sa walong finalists na napili ng CineFilipino mula sa mahigit isandaang indie film entries na nag-submit. Excited na rin si Kitchie dahil first time niyang makasali sa indie film at isa pa siya sa magiging bida para sa binubuo nilang entry ni Janice.

Actually kay Kitchie galing ang konsepto ng kuwento ng pelikulang The Muses. Hango ito sa isa sa paborito niyang kuwento sa Bible tungkol sa magkapatid na sina Mary and Martha pero gagawin nilang moderno ang atake para maka-relate ang manonood ngayon. Matagal nang pangarap ni Kitchie na gawin ang istorya ng dalawang rival sisters sa Bible kaso hindi siya marunong magsulat ng kuwento. Hanggang four years ago ay nakilala nga niya si Janice sa isa niyang show sa New York.

Dahil sa naging housemates sila sa NY kaya madali nilang nabuo ang script ng The Muses. Nagawa na rin ni Kitchie ang theme song ng pelikula na may pamagat na Simula Ngayon na siyempre ay siya rin ang kakanta.

Magpapa-audition pa sila nang makakasama ni Kitchie sa indie film. Titingnan nila kung swak sa schedule ng kaibigan niyang si Janelle Jamer sa gagawin nilang pelikula. Okay lang kay Kitchie kung sino kina Mary o Martha ang ipo-portray niya.

 Samantala, sa NY rin nakilala ni Kitchie ang kanyang American boyfriend na katulad niya ay Christian din na painter at musician at magta-tatlong taon na sila ngayon. Feeling long hair ang bokalista dahil ilang beses na itong nag-propose ng kasal sa kanya pero lagi siyang nanghihingi ng extension kahit 32 years old na siya.

Gusto na ring mag-asawa ni Kitchie pero marami pa raw siyang gustong gawin at isa na rito ang pinapangarap niyang indie film na The Muses. Meron na rin siyang natapos na album na iri-release ngayong taon ng 12-Stone Records na kanya ring management.

Ang iba pang indie films na kasali sa feature-length filmmakers category ng CineFilipino ay Puti (Achromatopsia) ni Miguel Alcazaren, Mga Alaala ng Tag-ulan ni Renato “Ato” Bautista, Jr., The Guerilla is a Poet ni Sari Raissa Dalena at Kiri Dalena, Ang Huling Cha-cha ni Anita ni Sigrid Andrea Bernardo, Ang Kuwento ni Mabuti ni Ramon “Mes” de Guzman, Ang Turkey Man ay Pabo Rin ni Randolph Longjas, at Bingoleras ni Byron “Ron” Bryant. Mapapanood ang lahat ng entries sa CineFilipino Film Festival sa June 26 to July 3 sa ilang sinehan.

 

 

vuukle comment

ANG HULING CHA

ANG KUWENTO

ANG TURKEY MAN

FILM FESTIVAL

JANELLE JAMER

JANICE

JANICE PEREZ

KITCHIE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with