^

Pang Movies

Foreign films pinilahan agad pagkatapos ng filmfest!

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Dumagsa na ang moviegoers nung Miyerkules at Huwebes sa Jack Reacher, Red Dawn, at Life of Pi na pare-parehong nataon ang opening sa Pista ng Nazareno nung Jan. 9. Inaasahang mas tatauhin pa ang mga sinehan ngayong Sabado at Linggo sa tatlong bagong higanteng pelikula ngayong 2013.

Karamihan sa na-excite sa mga ipinalabas na trailer nung kasagsagan ng filmfest ay pabor sa Jack Reacher dahil malaking Hollywood star ang bida rito. Si Tom Cruise lang naman. Pero thrilling din ang Red Dawn na pinangungunahan ni Chris Hemsworth. Samantalang idinaan naman sa mga online feedback ang Life of Pi na mga Indian ang nasa cast.

Sa tatlo, Jack Reacher ang dumodoble ng sinehan sa malalaking malls. Obvious naman dahil nga sa superstar na si Cruise. Pero ito ang hinuli ko sa aking listahan na panonoorin dahil siguradong magtatagal pa ito sa mga sinehan kumpara sa mga kasabayan niyang Dawn at Pi.

Anyway, ang Red Dawn ang bagong action film ni Hemsworth pero matagal na pala itong natapos. Nakailan na rin siyang pelikula pagkatapos gumanap na Thor pero ’yun na ang nakatatak sa Australian actor tuwing nagpa-flash siya sa screen.

Isang remake lang ang pelikula niya ngayon na ang original ay noong 1984 lumabas at sinasabing naging cult film ang pinagbidahan nina Patrick Swayze at Charlie Sheen. Kung sa original version ay mga Russian ang sumakop sa USA, sa bagong Red Dawn ay North Koreans naman at sa Washington ang location ng giyera.

Kung pinasabik na ang mga manonood sa trailer pa lang ay hindi naman kayo bibiguin kapag nakaupo na sa sinehan. Maraming gulat ang hatid ng US Marine na si Jed Eckert (Hemsworth) at ganun din sa kanyang nabuong tropang guerrilla — ang tinawag nilang Wolverines — kahit parang small-time actors lang sila.

Unlikely heroes ang mga nakasama ni Jed dahil mga high school lang sila, mga kaibigan at kapitbahay lang ng kapatid niyang si Matt (Josh Peck) na isang football varsity player. Magugulat ang manonood kung sinu-sino ang matitirang matibay sa tropa nila.

Ang Life of Pi naman ay isang adventure-drama, hango sa libro kaya angat ang storytelling nito, na kahit mas bata pa sa high schooler ay puwede nang manood. Kuwento ito ng Indian boy na si Pi (Suraj Sharma) na nagkaroon ng mabigat na alalahanin sa gitna ng malawak na Pacific Ocean dahil kasama niya sa lifeboat ang isang Bengal tiger. Tumagal sila sa dagat sa loob ng 227 days.

Kahit hindi sa 3D panoorin ay kamang­ha-mangha pa rin ang visual effects ng pelikula na mistulang Bollywood film na rin. Parang totoo na magkaharap ang binatilyo at ang gutom na tigre sa mara­ming eksena nila. Ganun din ang iba pang hayop at pati na ang alon ng dagat. Buhay na buhay ang mga kulay na ala-Avatar!

Ang isang malalim na aspeto ng Life of Pi ay ang pananampalataya sa Diyos na natutunan ng bida, kahit ano pa ang relihiyong salihan. Nasubok ang katatagan at pananalig ni Pi dahil sa pinagdaanang trahedya ng pamilya sa barko at ang pakikisagpalaran niya sa dagat. Maihahalintulad na nga ng konti sa Bible story ni Job ang Life of Pi. Pero mas dinaig pa ni Pi ang dinanas ni Job sa balyena o ni Tom Hanks sa isla sa pelikulang Castaway.

Sa panonood ng Red Dawn at Life of Pi ay iisa ang iniwan nitong mensahe — pag-asa. Habang buhay pa at nakakakilos ay huwag tumigil sa mga nararapat gawin. At pinakamabuti kung sasamahan ito ng dasal.

E-mail: [email protected]

ANG LIFE OF PI

CHARLIE SHEEN

CHRIS HEMSWORTH

HEMSWORTH

JACK REACHER

LIFE OF PI

PERO

RED DAWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with