^

Pang Movies

Para maihanda sa kapalaran sa showbiz Zaijian kailangan ng child psychiatrist

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Tulad ng mga nakaraang child stars, nagiging trauma sa mga bata ang kanilang future sa showbiz. Malaking trauma sa lahat ng mga bagets ang malaos at hindi exempted dito si Zaijian Jaranilla.

Naging bida na sa mga top-rating teleserye, kahit 11 years old pa lang siya ay takot nang maglaho sa eksena. At this stage, dapat na meron nang nagpapayong mahusay na child psychiatrist kay Zaijian.

Tatlong taga-PMPC mga direktor na

Would you believe that three members of Philippine Movie Press Club (PMPC) have already directed indie films?

Totoong-totoo na sina George Vail Kabristante, Sandy Mariano, at Ronald Rafer ay tapos nang gawin ang kanya-kanyang pelikula.

Si George Vail ang pinakamalakas ang loob sa tatlo. Ang kanyang obra ay Noli Me Tangere na nobela ni Dr. Jose Rizal. Dapat ay isang epic film ito. Kung paano naisalin sa isang indie film, dapat panoorin natin.

Sex-comedy naman ang Jumbo Jericho ni Sandy.  Ilang araw lang ay tapos agad ang kanyang pelikula.

Gabriel (Ito ang Kuwarto Ko) ang titulo ng movie ni Ro­nald na nakilala namin as an avid Noranian. Mukhang nalilinya sa drama si Ronald kaya’t sa ganitong genre ang trabaho niya.

Kagabi, tiyak na nahalal muli na pangulo ng PMPC si Fernan de Guzman (aka Ms. F.) para sa taong 2013. Ito na ang ikatlong term niya dahil naglingkod na siya ng dalawang taon as PMPC president noong mga nakaraang taon. Congratulations Ms. F!

May pahabol si Ronald Rafer na dalawa na ang pelikulang nagawa niya, Gabriel at Nagbabagang Langit.

Gerald ‘winasak’ sina Sarah, Kim, at Maja

Binansagang Tuhog King si Gerald Anderson. Tatlong magkakaibigan ang naging girlfriend niya — sina Kim Chiu, Sarah Geronimo, at Maja Salvador.

Kailan kaya magkakasama ang tatlong chicks upang mag-compare notes? May ma-contribute naman kaya si Sarah G. sa chikahan?

Atty. Felipe tuturuan ng leksiyon si Sarah

Nabalita na sa TV na nag-file ng kasong libel ang GMA Films president na si Annette Abrogar laban kay Sarah Lahbati. Nakakasira raw kasi ang mga pahayag ng GMA contract artist laban sa kanyang home studio.

Maaaring sumagot si Sarah through her own lawyer tungkol sa kasong ito.

Ayon naman sa GMA president na si Atty. Felipe Gozon, hindi nila papayagang umalis sa network si Sarah hanggang hindi natatapos ang kontratang pinirmahan niya until 2015.

Itinuturing ng network na isang kabastusan ang ginawa ng aktres na iwan ang kanyang trabaho na walang tiyak kung gaano katagal. Ayaw nilang magsilbing isang masamang halimbawa si Sarah para sa kanyang mga kapwa GMA contract artists.

Dalawang aktres nag-iilusyon sa poging aktor na naka-focus sa ‘secret lover’

Dalawang young stars ang tila magkaribal sa pagtingin ng isang aktor. Pareho silang may ilusyon na mahal sila ng handsome actor.

Tila nagbubulag-bulagan ang mga Siony (ilusyonista) at wala silang kaalam-alam. Ang mga close friend pa ng dalawa ang nagsasabing higit na concentrated ang free time ng pogi sa kanyang secret lover/benefactor. Alam naman all the while ng very rich gay na siya ang nagwagi!

Sport star nag-aalangan pa sa showbiz sa takot na maiskandalo agad

Na-delay ang pagpasok sa showbiz ng isang sport star. Nagkaroon kasi siya ng problema sa private life.

Pipirma na sana siya ng contract sa isang major network. Kaya lang umiwas naman siyang maiskandalo agad, simula pa lang ng kanyang pag-aartista.

vuukle comment

ANNETTE ABROGAR

BINANSAGANG TUHOG KING

KANYANG

MS. F

RONALD RAFER

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with