^

Pang Movies

Nahulaan nang ’di sila mananalo: Bong at Vic inisnab ang awards night ng MMFF

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Maganda si Kris Aquino sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012 Awards Night kaya lang mas nakararami ang hindi nagustuhan ang kanyang gown dahil very revealing na — nakaluwa na ang cleavage at halos natatakpan lang ang kalahati ng boobs. Bilang presidential sister hindi kami sang-ayon sa kanyang kasuotan.

Mabuti pa si KC Concepcion at balot ang katawan sa kanyang evening gown.

Nagiging daring yata si Kris dahil nang mag-guest sa show ni Vice Ganda kamakailan ay litaw din ang cleavage sa kanyang black gown.

Maraming nagsasabi na sana’y naging co-host ni Kris sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Bossing Vic Sotto para lalong naging maningning ang gabi.

Parehong absent ang dalawa at may allergy daw si Bong at si Bossing naman ay hindi pala-attend ng awards night.

Donaire nadidikit na sa pangalang Cristine

Iisa yata ang landas na tinatapakan nina People’s Champ Manny Pacquiao at ang WBO Superbantamweight World Champion na si Nonito Donaire. Bukod pa sa pareho silang magaling na boksingero, na kinikilala hindi lang sa bansa kundi sa iba’ti bang panig ng mundo, ay pareho pa rin silang showbiz celebrity.

Kahit sinasabi ni Nonito na ayaw niyang maikumpara kay Pacquiao dahil hindi naman siya papasok sa pulitika, sa pag-aartista naman ay sumusunod siya sa yapak ni Pacman. Balitang nagprodyus ng sariling niyang indie film si Donaire na siya rin ang bida at ipalalabas ito sa taong 2013.

Matulad din kaya ang kapalaran ni Nonito kay Pacman na na-link sa kanyang leading lady gaya ni Ara Mina at iba pang aktres? Usap-usapan kasi ngayon sa showbiz na nali-link din si Donaire sa isang celebrity na nakasama sa isang pelikulang ginawa. Pero hindi pala ito si Cristine Reyes kundi si Cristine Serrano na naging finalist sa Star Factor ng TV5.

Magulo ang showbiz at maintriga. Ano kaya ang masasabi ng asawang si Rachel sa tsismis na nagli-link sa asawa at kay Cristine?

Anyway, maganda ang Pasko kay Nonito at pamilya nito dahil napili itong Boxer of the Year kaya malaking karangalan din kay Cristine na maiugnay ang pangalan kay Donaire, ’di ba?

Bagong taon, bagong buhay

Binigyang halaga ng bawat isa ang tunay na diwa ng Pasko – ang pagmamahalan at pagbibigayan. Ngayong pagpasok ng Bagong Taon, mahalaga na magkaroon tayo ng positibong pananaw sa buhay.

Kahit anong pagsubok ang dumating sa ating buhay ay huwag sana tayong mawalan ng pag-asa. Ang mahalaga ay matibay at matatag ang kapit natin sa Panginoon na nagbibigay ng lakas sa atin.

Masaganang Bagong Taon sa lahat!

 

vuukle comment

ARA MINA

AWARDS NIGHT

BAGONG TAON

BONG REVILLA

BOSSING VIC SOTTO

BOXER OF THE YEAR

CHAMP MANNY PACQUIAO

CRISTINE

DONAIRE

NONITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with