^

Pang Movies

Reklamo ni El Presidente sa MMFF, hinarang ng kanyang tiyuhin!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bilang tugon sa pakiusap ng kanyang tiyuhing si Jesse Ejercito, mas pinili na lamang tumahimik ni Governor ER Ejercito sa reklamo niya sa MMFF Committee kaugnay ng konting sinehang nakuha niya

Sa box office standing ng movie, nasa number 6 ito ayon sa mga reports. Pero for sure, kapag humahig ito ng awards (na kagabi ginanap), aakyat ang kita nito sa takilya gaya ng entry niya last year na Asiong Salonga.

Eh sa ating movie industry, nangingibabaw pa rin ang negosyo pagdating sa may-ari ng mga sinehan. Siyempre, mas uunahin nila ang kita nila kesa sa kikitain ng mga producers, huh! Komo nga Me­tro Manila Film Festival ito at hindi na sakop ang sinehan sa pro­bin­ siya, mas malayang pumili ng pelikula ang may-ari ng theaters kaya naman lamang sa aspetong ito ang Star Cinema entries dahil sa lawak ng sakop ng ABS-CBN.

Mother Lily kuntento na kahit pang-apat lang

Satisfied na si Mother Lily Monteverde sa pang-apat na puwesto ng entry niyang Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion.  May horror movie rin kasing The Strangers na nasa ikalimang puwesto naman.

Tunay nga namang maipagmamalaki ng Regal producer ang latest installment ng SRR. Imagine, Graded A ng Cinema Evaluation Board ang pelikula at maganda ang feedback sa pagkakagawa ni Direk Chito Rono.

Sa tatlong kuwento, pinakapulido ang  Ang Pamana episode nina Janice de Belen, Arlene Muhlach, at Herbert Bautista. Ito marahil ang unang natapos kaya napagtuunan ng oras ang post production nito.

Matindi naman daw ang dating ng Lost Command. Grabe ang takot factor at ang ending, merong twist na ikababaliw ng manonood.

Hanep naman daw ang futuristic effect ng Unwanted nina Lovi Poe at Vhong Navarro. Nakabibilib ‘yung eksenang pinabagsak ang isang building na kinapalooban ng dalawang bida.

Base nga sa nakapanood, puwedeng mag-stand alone ang bawat episode dahil kaparehas nito ang isang malaking pelikula, huh!

Diana pinaghahandaang maigi ang pagharap sa bagong tahanan

Nice to see Diana Zubiri sa block screening ng Sisterakas na isinagawa ni AiAi de las Alas sa Eastwood Mall Cinema 3 last Wed­nesday. Slim at nananatili pa rin ang byuti ni Diana kasama ang manager/friend niyang si Jojo Gabinete.

Bahagi na ng Kapamilya Network si Diana at sa January na siya magsisimulang mag-taping ng drama series niya kung saan makakasama niya sina Maricel Soriano, Gerald Anderson, Cristine Reyes, at iba pa.

Ilang taong naging bahagi ng Kapuso Network si Diana bago nagdesisyong lumipat ng network kaya naman pinaghandaan niyang mabuti ang muli niyang pagharap sa kamera sa bagong tahanan.

 

ANG PAMANA

ARLENE MUHLACH

ASIONG SALONGA

CINEMA EVALUATION BOARD

CRISTINE REYES

DIANA ZUBIRI

DIREK CHITO RONO

EASTWOOD MALL CINEMA

GERALD ANDERSON

GRADED A

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with