^

Pang Movies

Thy Womb tinanggal na sa ibang sinehan, hindi rin nakapagdala ng mga kopya sa probinsiya!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakapagtala na ang 38th Metro Manila Film Festival ng first day total gross na P 105,420,253.50, mula sa Metro Manila and provincial cinemas. Fifteen days tatagal ang festival from December 25 to January 8, 2013, kaya hindi malabong lumampas pa sa target na P 700 million ang magiging kabuuan ng MMFF. Nakakuha kami ng first day official gross mula sa Metro Manila at provincial cinemas at ang kabuuang gross per movie:

1.)    Sisterakas –P 39,194,312.68

2.)    Si Agimat, si Enteng Kabisote, at Si Ako

P 29,393,219.10

3.)    One More Try –P 13,160,987.40

4.)    Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion - P 10,579,339.60

5.)    The Strangers –  P 4,902,627.00

6.)    El Presidente –  P 3,036,408.75

7.)    Sosy Problems –   P 3,036,408.75

8.)    Thy Womb – P 908,859.40 .

Walang provincial release kaya walang provincial gross ang Thy Womb.

We feel sad for Thy Womb, dahil may cinemas daw na hindi na ito ipinalabas after the first day. May mga nagtatanong kung bakit walang provincial release nito, ibig bang sabihin hindi nakagawa ang producer ng enough copies ng movie para maipadala sa probinsiya?  Pero ang mga Noranians, nagkaroon daw ng block showing ng movie noong second day of showing nito.

Sosy problems muntik nang magmulta ng p4.5 m

Nakitsika si GMA Films President Annette Gozon-Abrogar at sa tanong sa kanya ng ilang entertainment press kung kukunin niya muling magdirek ng movie sa kanila si Direk Andoy Ranay, pagkatapos ng konting ‘di pagkakaintindihan sa shooting ng kanilang Sosy Problems, na pinatanggal ng director ang name niya sa credit, oo raw naman, pero iyong movie na wala nang deadline.  Inamin niyang may isa pang eksenang kukunan pero hindi na nila itinuloy matapos ma-review ang rushes at nakita nilang puwede na ito without the said scene. Hindi na kasi sila aabot sa deadline ng submission ng finish product. Kung kukunan pa iyon, mali-late na sila at magbabayad ng fine na P 4.5 million kung lalampas sila sa deadline.

 

vuukle comment

DIREK ANDOY RANAY

EL PRESIDENTE

ENTENG KABISOTE

FILMS PRESIDENT ANNETTE GOZON-ABROGAR

METRO MANILA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

ONE MORE TRY

SOSY PROBLEMS

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with