Coco Martin hinanda nang pangtapat kay Sen. Bong
Kahit panahon ng Kapaskuhan, umiiral pa rin ang network battle. Sa Christmas plugs pa lang nagkakabugan na ang tatlong networks. Pati sa forthcoming shows sa bagong taon, kanya-kanyang palaparan ng papel.
Lumabas na nga trailer ng Indio ang epic-seryeng bida si Sen. Bong Revilla, Jr. sa GMA. Agad naman nabalita ang Juan dela Cruz na tampok si Coco Martin sa ABS-CBN.
Dalawang magkaibang titulo, pawang naglalakihang teleserye at malinaw na ang tinutukoy ng dalawang palabas ay tayong mga Pinoy.
Ang Indio kasi, naging bansag ng mga dayuhan sa mga Pilipino, lalo na noong panahon ng mga Kastila. Obvious na ang palabas ay tatalakay sa mga kagitingan at kadakilaan ng lahing Kayumanggi.
Kilala naman tayong mga Pinoy sa pangalang Juan dela Cruz, maliwanag na ito ang pambansang tawag sa kalalakihan sa ating bansa. Mukhang magiging pseudo-historical din ang istorya ng 2013 attraction, mula sa Lopez network. Tiyak na itotodo rin nila ang malaking budget, tulad ng ginagawa ng mahigpit na kalabang istasyon.
Sa timeslot naman, inaasahang tatapatan ng Juan dela Cruz ang Indio sa primetime schedule. Nagpapakiramdaman na sila kung saang parte ng evening slot papasok. Sa dami ba naman ng mga espiya ng magkalabang network sa magkabilang istasyon, tiyak na sila na rin ang mga unang makakaalam ng iba pang pinakakatagong lihim.
Tisay na aktres napatunayan sa DNA na hindi pala anak ng ’Kano, sa kahihiyan ’di na bumalik ng ’Pinas!
Hanggang ngayon marami pang celebrities na ang Christmas wish ay makilala o makita ang kanilang tunay na ama o ina. Kabilang dito ang mga mestisang aktres na bago palang ipinanganak ay iniwan na ng mga banyagang tatay.
Isang celebrity naman ang nag-ipon ng pera upang makabiyahe sa States. Pinuntahan niya roon ang amang nag-bandona sa kanilang mag-ina. Kaya lang malaking kabiguan nang lumabas sa DNA test nilang ‘‘mag-ama’’ roon, na hindi sila magkarelasyon. Sayang naman dahil bibigyan na pala ng house and lot ng ’Kano ang akala’y nawalay na tunay na anak.
Sa malaking kahihiyan, ayaw nang bumalik sa Pilipinas ang artista. Kahit anong trabaho, at nakitira na lang, pinapasok.
Albert nagmukhang may sakit nang itabi kina Richard at Bong
Noong media launch ng Sugo, ang historical epic tungkol kay Ka Felix Manalo at kanyang mga anak, mukha talagang big stars from Hollywood sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Richard Gomez. Iba naman ang hitsura ni Albert Martinez na isa rin sa mga lead actor. Hindi siya maihanay sa dalawang nauna, sa kisig at tindig.
Bukod kasi sa isa pinakamaliit sa tatlo (siguro ‘‘Little’’ ang pet name niya noong young matinee idol pa), payat na payat ang actor/director at mukhang may sakit.
Mahaba pa ang kanyang buhok kaya higit na nag-anyong may karamdaman. Hindi man lang siya nag-ayos at nagbihis ng akma sa malaking okasyon.
Ang tanong tuloy ng showbiz press na naroon: ‘‘Mukhang problematic si Albert at ganyan ang hitsura.’’
LT kabilang sa mga pinakagalanteng magbigay ng Pamasko
Sa mga sikat na artista, kabilang ang yumaong si Rudy Fernandez at kanyang misis na si Lorna Tolentino sa mga most generous gift-giver. Minsan ay nakatanggap kami ng mamahaling Lalic crystal mula sa mag-asawa. Kailangan ko pa tuloy pagandahin ang aming bahay para bumagay ang expensive décor!
There was a Christmas na niregaluhan naman kami ng gold Cross ballpen nina Daboy. That time isang luxury ang magkaroon ng nasabing very expensive writing instrument.
Maligayang Pasko sa lahat! Sama-sama tayong magdasal na higit na umunlad ang industriya ng pelikula sa 2013. At sana, lumawak pa ang audience ng mga Pinoy indie film.
- Latest