^

Pang Movies

Nay 1-1 hindi nakalusot kay Juday!

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Hindi sinuwerte ang Nay-1-1 sa kanilang timeslot sa GMA 7 dahil isa sa malaking rason tiyak ay ang mga kabanggaan niyang shows sa ganung oras, alas-diyes ng unaga.

Nasa GMA News TV ang Pinoy Abroad na kahit rerun na ang mga palabas ay marami pa ring tumututok dahil para na ring lifestyle-travel show ang palabas.

At sa ABS-CBN naman ay mainit na parang bagong luto ang kompetisyon ng mga natitirang kusinero’t kusinera sa MasterChef Pinoy Edition.

Kaya hindi na rin nakapagtataka kung hindi pa nakakabuwelo ang 30-minute show na Nay-1-1 ay tsinugi na. Mahihirapan lang siguro ang production at management sa gastos at effort nila araw-araw kung wala namang pumapasok na advertisers at hindi nagre-rate.

Kung sa GMA News TV muna siguro inilagay ang Nay-1-1 ay baka maka-survive pa dahil iba ang viewers dun at walang pressure sa advertisers at ratings. Maraming niche shows sa Channel 11 na nakakatagal pero kung sa Channel 7 ‘yun inilagay ay baka tigbak agad. Magandang halimbawa ang Mars, Day Off, Pop Talk, at iba pang original concept na show.

Mga bida sa Teen Gen, mukhang mga dalaga’t binata na

May pumupuna na isang male TV viewer sa mga iprinisintang bagets sa Teen Gen ng GMA 7. Bakit daw hindi naman mga mukhang teenager ang nasa cast?

Kung ikukumpara raw sa tween stars noon na ginawan din ng show ay talagang mga fresh na nene at totoy ang mga hitsura ng mga ipinakilala.

Ang sagot diyan, mabilis kasing pinatatanda ngayon ang mga star. Bukod sa makeup at pananamit, nilalagyan pa ng love story ang show kaya hindi na inosenteng-inosente ang dating nila. Ang tween ay nagmumukhang teen at ang teen ay nagmumukhang bente anyos pataas na. Okay na rin basta walang nameke ng edad para lang makapasok sa Teen Gen.

GMA 7 ayaw ng sportscaster na babae?

 Ang female sportscaster naman ang napuna ko sa tatlong naglalabang TV stations. May kulang yata ang isang istasyon o baka ayaw lang nila na kumuha dahil may male sports anchors na sila.

Kung ang ABS-CBN ay nakatisod ng talent kay Dyan Castillejo na sa independent show na Sports Unlimited talaga nagsimula, ang TV5 ay biglang kumuha ng ala-Dyan matapos ang ilang taon sa katauhan ni Chiqui Roa-Puno.

Pero ang GMA 7 ay wala yatang balak gumaya dahil ilang taon na sa kanila sina Quinito Henson at Chino Trinidad. Ang dalawa ang pinagkakatiwalaan nila pagdating sa sports events.

* * *

May ipare-rebyu?

Email: [email protected]

vuukle comment

CHINO TRINIDAD

CHIQUI ROA-PUNO

DAY OFF

DYAN CASTILLEJO

PINOY ABROAD

PINOY EDITION

POP TALK

TEEN GEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with